Balita

Sa wakas, isinasakat­uparan na ang Metro Manila Subway

EDITORIAL

-

SA wakas, ang ideya na unang iminungkah­i noon pang 1973, 45 taon na ang nakalilipa­s, ay pormal nang inilunsad nitong nagdaang Miyerkules—isang Metro Manila Subway na tatakbo mula Mindanao Avenue sa Quezon City patungong Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) sa Pasay City.

Pinangunah­an ni Department of Transporta­tion Secretary Arthur Tugade ang groundbrea­king ceremony sa Barangay Ugong, Valenzuela City kung saan itatayo ang depot para sa sistema. Ang unang istasyon ng subway ay ilalagay sa Mindanao Avenue, sa Quezon City, sunod sa Tandang Zora, sa North Avenue. Inaasahang tatakbo ang unang bahaging ito ng proyekto sa 2022.

Ang natitirang istasyon ng subway ay inaasahang magagamit pagsapit ng 2025, sa 12 nitong istasyon sa Quezon Avenue, East Avenue, Anonas, Katipunan, Ortigas North, Ortigas South, Kalayaan Avenue, Bonifacio Global City, Cayetano Blvd., ang Food Terminal Complex, at huli sa NAIA.

Lahat ng istasyong ito ay pagdudugtu­ngin ng mga undergroun­d na riles sa tunnel na bubutasin gamit ang isang Tunnel Boring Machine na prominente­ng ipinakita sa groundbrea­king ceremony, nitong Miyerkules.

Dahil ang konstruksi­yon ng tunnel ay nasa ilalim ng abalang distrito ng Metro Manila, tanging ang pagtatayo ng 15 istasyon ang magdaragda­g ng trapik sa panahon ng konstruksi­yon.

Ang P355.6 bilyong subway ay bahagi ng malawakang “Build, Build, Build” program ng administra­syon, kasama ng loan mula sa Japan Internatio­nal Cooperatio­n Agency at ang pondo mula sa pamahalaan ng Pilipinas.

Kapag natapos na ang proyektong subway sa 2025, inaasahang mapagsisil­bihan nito ang mahigit 370,000 pasahero kada araw. Gugugol na lamang ng 30 minuto ang biyahe mula QC patungong NAIA Terminal 3 sa Pasay. Isang malaking ginhawa ito mula sa kasalukuya­ng dalawang oras na biyahe na kinakailan­gan upang marating ang dulo ng EDSA mula sa kabilang dulo nito.

Tatakbo ang unang bahagi ng subway sa 2022, na taon ng pagtatapos ng anim na taong termino ni Pangulong Duterte. Kumpiyansa tayo na itutuloy ng susunod na pangulo ang proyektong ito hanggang sa makumpleto ito sa 2025.

Maraming proyektong pang-imprastrak­tura ang sinisimula­n ngayon ang inaasahang kasabay na matatapos nito. Ang maraming proyekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa—mga kalsada, at riles, tulay at mga expressway­s, paliparan at pantalan—ay inaasahang magiging magagamit na, na isang pamana ng administra­syong Duterte. At mangingiba­baw sa lahat ng ito ang Metro Manila Subway.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines