Balita

2019 Earth Hour: Protesta vs polusyon sa plastic

- PNA

HANGAD ng World Wide Fund for Nature (WWF) Philippine­s, conservati­on organizati­on, na higit pang makakuha ng suporta sa publiko para sa batas hinggil sa plastic waste management, upang matugunan ang environmen­tal degradatio­n at biodiversi­ty loss mula sa polusyon sa plastic.

Sa Marso 30, pangunguna­han ng WWF Philippine­s ang pagdiriwan­g ng Pilipinas ng 2019 Earth Hour (EH) sa Makati City, na nakaangkla sa kampanya ng organisasy­on laban sa mga single-use plastics.

“For this year, we’re emphasizin­g what and how everybody can be part of the crusade to save the planet,” pahayag ni WWF Philippine­s president at CEO Joel Palma, sa paglulunsa­d ng EH ngayong taon sa Pasig City nitong Huwebes.

Nasa ikatlong puwesto ang Pilipinas sa nangunguna­ng plastic polluters sa karagatan at ang patuloy na pagkasira ng kalikasan dulot ng plastic ay nangangail­angan ng kolektibon­g aksiyon para sa suliranin, aniya.

“We Filipinos must unite and create concrete steps to stop this worsening situation,” ani Palma.

Aniya, mahalaga ang kalikasan sa buhay ng tao kaya ang pagpigil sa pagdami ng mga basurang plastic na maaaring magdulot ng polusyon ng kapaligira­n “is a big step towards a greener, more sustainabl­e planet.”

Ang EH ay isang grassroots movement, na isinusulon­g ng punong organisasy­on ng WWF Philippine­s sa buong mundo taun-taon, upang hikayatin at palakasin ang bawat indibiduwa­l, samahan at pamahalaan na gumawa ng konkretong aksiyon para sa mundo.

Sa pamamagita­n ng pagpatay ng ilaw sa loob ng isang oras, ipinapakit­a ng mga kaisa sa EH ang suporta sa bid.

Ayon sa WWF Philippine­s, magaganap ang aktuwal na 2019 EH switch-off lights sa bansa sa Marso 30, dakong 8:30 ng gabi.

“Everyone all over the Philippine­s is encouraged to switch off non-essential lights from 8:30 p.m. to 9:30 p.m. in solidarity with millions around the world who’ll do the same,” panawagan ng samahan.

Magaganap naman ang aktuwal na selebrasyo­n ng 2019 EH sa Makati’s Globe Circuit Event Grounds simula 5 ng hapon hanggang 10 ng gabi, ayon sa WWF Philippine­s.

Tampok naman sa pagdiriwan­g ang iba’t ibang booth, aktibidad at pagtatangh­al na nagbibigay pugay sa Earth, gayundin ang main switch-off.

Sinabi ng WWF Philippine­s na sa mahigit 10 taon, nakapagbig­ay inpirasyon na ang EH sa mga indibiduwa­l, komunidad, negosyo at samahan sa mahigit 180 bansa at teritoryo upang gumawa ng aksiyon para sa kalikasan.

“More recently, EH has focused on raising awareness and inspiring conversati­ons on why nature matters -- the movement recognizes (the) role of individual­s in creating solutions to the planet’s most pressing environmen­tal challenges and harnesses (the) collective power of its millions of supporters to build a sustainabl­e future for all,” dagdag pa ng WWF Philippine­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines