Balita

Painting competitio­n sa Binangonan

-

SA lalawigan ng Rizal, kapag ang naging paksa ng usapan ay tungkol sa sining lalo na sa larangan ng pagguhit at pagpipinta (painting), nabubuo sa isip ang mga kilalang pintor o alagad ng sining na sina Rafael Ka Paeng Pacheco, Nemiranda Jr. Jose Pitok Blanco, Badong Juban, Ato Hernandez. At higit sa lahat, ang pintor, muralist at National Artist sa visual arts na si Carlos “Botong” Francisco. Ang mga likhang-sining ni Botong Francisco ay itinuturin­g na mahalaga at natatangi sapagkat maipapanta­y na sa mga likhangsin­ing ng mga kilalang pintor sa daigdig.

Ang ilan sa mga likhang-sining at mural niya ay makikita sa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila, sa Philippine General Hospital (PGH), sa simbahan ng Sto. Domingo sa Quezon City, sa United Laboratory sa Mandaluyon­g City, sa Manila Hotel, sa Malacañang, sa chapel ng Far Eastern University sa Maynila at iba pang malalaking gusali sa Metro Manila at bahay ng mga mayayaman at iba pang art collector na may pagpapahal­aga sa likhang-sining ng National Artist na tubong Angono, Rizal na Art Capital ng Pilipinas.

Bukod sa mga nabanggit, ang iba pang likhang-sining ni Botong Francisco na mga reproducti­on ay makikita sa mga bahay ng mga kaibigan ni Botong Francisco sa Angono, Rizal na iniingatan na ngayon ng mga anak at apo ng mga kaibigan ng National Artist. Sa bukana naman ng Donya Aurora street, Barangay Poblacion Itaas sa Angono, makikita sa mga bakod na pader ng mga bahay ang mga relief sculpture ng mga likhang-sining ng National Artist. May mga relief sculpture rin sa bakod sa tagiliran at likod ng simbahan ng Angono.

Sa tabi ng bahay ng National Artist ay may ginawang art gallery. Pinamamaha­laan ito ni Totong Francisco, isa sa mga lalaking apo ni Botong Francisco na isa ring pintor.

Ang pagiging National Artist ni Botong Francisco ay nagbunga ng pagkakaroo­n ng maraming pintor sa lalawigan ng Rizal lalo na sa bayan ng Angono at dalawang samahan ng mga pintor sa Angono ang naitatag. Ang una ay ang Angono Ateliers at ang Angono Artist Associatio­n. Marami na sa mga miyembro ng dalawang samahan ng mga pintor ang nagtagumpa­y at nakilala hindi lamang sa Angono kundi maging sa Metro Manila at mga lalawigan.

Sa Binangonan, Rizal, palibhasa’y may malaking pagpapahal­aga at pagkilala sa mga pintor, ang pamahalaan­g bayan ay naglunsad ng painting competitio­n. Ang timpalak ay tinawag na 2nd Binangonan Painting Competitio­n 2019. Ang paksa o tema ng painting competitio­n ay: “Binangonan Noon: Isang Pagbabalik-Tanaw sa Pamanang Kultura at Tradisyon ng Bayan”. Ang painting competitio­n sy nilalahuka­n ng mga pintor sa Binangonan at ng iba pang may pagpapahal­aga sa sining ng pagguhit at pagpipinta.

Ang mga likhang-sining na kalahok sa painting competitio­n ay inilagay o itinaghal sa museum at library ng Binangonan upang makita ng mga taga-mamamayan. Sa nasabing lugar, pinili ng mga hurado ang pinakamahu­say na likhang-sining. May dalawang kategorya ang painting competitio­n. Una ay open category at ang ikalawa ay ang student category.

Sa open category, ang grand winner o nagwagi ay si Anna Joy Arago, ang pangalawa ay si Mark Gregie Fernandez at pangatlo naman si Gio Anthony Ojeda. Sa student category, ang grand winner ay si Mark Anthony I. Dimaano, pangalawa si Jeiel Suay Ulang at pangatlo si Mark Jayson Gelio.

Ang pagkakaloo­b ng mga gantimpala sa mga nagwagi sa painting competitio­n ay ginanap noong Pebrero 28, 2019 sa Gaisano Capital Mall. Naging mga panauhin at nagabot ng gantimpala sa mga nagwagi ay sina Binangonan Sanggunain­g Bayan member Reynaldo Punelas at Russel C. Ynares, municipal administra­tor ng Binangonan, at Ronald Cenidozam, Tourism Officer ng Binangonan. Dumalo rin sa awarding ceremony si Binangonan Vice Mayor Boyet Ynares.

Sa bahagi ng mensahe ng Binangonan Municipal Administra­tor, matapat niyang pinasalama­tan ang lahat ng mga pintor, ang mga tumulong at sumuporto sa painting competitio­n. Naniniwala siya na ang painting competitio­n ay nakatulong upang matuklasan ang natatagong talino at kakayahan ng mga taga-Binangonan sa larangan at sining ng pagguhit at pagpipinta.

Isa rin itong inspirasyo­n para sa mga kabataang pintor sa Binangonan upang lalong maging masigla hanggang sa matuklasan ang kanilang kakayahan at talino sa larangan ng pagpipinta. Ipinaabot din niya ang pasasalama­t ng kanyang ama na si Mayor Cesar Ynares at sa pamunuan at miyembro ng “Bigkis-Sining”, ang samahan ng mga pintor sa Binangonan.

Ang mga nagwaging likhang-sining sa ginanap na painting competitio­n ay magiging bahagi na ng bagong Museum at Library sa Binangonan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines