Balita

246 libreng pabahay para sa landslide victims sa Naga, Cebu

- PNA

MAGTATAYO ang lokal na pamahalaan ng Naga City, Cebu at ang National Housing Authority (NHA) ng 246 na bahay para sa mga pamilyang naapektuha­n ng landslide sa Barangay Tinaan sa siyudad noong Setyembre nang nakaraang taon, inihayag ni City Mayor Kristine Vanessa Chiong nitong Biyernes.

Popondohan ng pamahalaan­g lungsod ang 54 na housing unit sa Barangay Tinaan at ito ang mauunang itayo sa 192 pang housing unit na bubuuin ng NHA sa Balili property sa coastal area ng Tinaan, lahad ni Chiong.

Aniya pa, nilagdaan na niya ang building plan na isinumite ng NHA.

Sinabi ni Chiong na ang mga bahay mula sa gobyerno at NHA ay ibibigay sa mga biktima ng landslide nang libre, at ang bawat unit ay mayroong 50-square-meter lot area at 26-squaremete­r floor area.

Nagsasagaw­a rin ang Environmen­tal Management Bureau 7 (Central Visayas), sa pangunguna ni Engr. William Cuñado, ng geo-hazard assessment sa Tinaan “(to) “make sure it is safe” para sa bagong housing area para sa mga biktima.

Nag-donate ang lalawigan ng Cebu ng 2.1 ektarya ng Balili property para sa NHA housing area.

May mga report naman na tinanggiha­n ng ilang evacuee ang alok na pabahay sa Balili property dahil sa pangambang magkaroon ng sakuna dahil malapit ito sa baybayin ng Tinaan.

“Last year, we were supposed to relocate around 444 families situated near the critical zone,” sabi ni Chiong nang kapanayami­n sa radyo, at binanggit din niyang pinili ng 154 na evacuee na makatangga­p ng humanitari­an assistance kaysa bigyan ng bagong bahay mula sa gobyerno.

Mas nais ng 154 na pamilya na maghanap ng sarili nilang lilipatan o relocation site sa mga kalapit na bayan ng Minglanill­a at San Fernando.

Noong Setyembre 20, 2018, nagkaroon ng landslide sa Bgy. Tinaan, na lokasyon ng pagmimina ng isang pribadong mining firm. Pitumpu’t walong katao ang namatay sa insidente, at 18 ang sugatan, habang lima naman ang idineklara­ng nawawala.

Bukod sa Tinaan, idineklara ring nasa ilalim ng state of calamity ang katabing mga barangay ng Naalad, Mainit, Pangdan, at Cabungahan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines