Balita

Mother role, OK lang kay Diana

- Nora V. Calderon

NO second thought pala si Diana Zubiri

nang i-offer sa kanya ng GMA Network ang role na maging nanay ni Janine Gutierrez sa Dragon Lady.

Para kasing hindi naman malaki ang age gap nina Diana at Janine, bakit tinanggap niya ang role?

“Okey lang sa akin iyon dahil nagandahan ako sa character ni Almira Sanchez, na mahal na mahal ang anak na gagawin ang lahat para lang maprotekta­han siya, dahil isinilang siyang may kakaibang anyo,” paliwanag ni Diana.

“Saka ipapakita muna rito kung sino si Almira, na ginampanan muna ni Bea Binene.

“Sa akin, no problem kung gaano ang age gap namin ni Janine, tama rin naman na maging nanay niya (ako), dahil nanay na rin naman ako talaga.”

Dalawa ang anak ni Diana, ang nine years old na si King Smith at ang baby girl niyang si Aliyah Rose, sa husband niyang si Andy Smith.

Sa kanilang mag-asawa, sinabi ni Diana na mas disciplina­rian siya. Kaya kapag may sinabi siya kay King na hindi nito sinunod, grounded sa kanya ang anak, at bawal itong gumamit ng social media.

Nang makausap namin si Diana bago nagsimula ang mediacon, nasabi niyang malapit nang ipalabas ang ginawa nilang digital movie na Mystified, na produced nilang magkakasam­a sa first Encantadia na sina Iza Calzado, Karylle, at Sunshine Dizon, kasama si Direk Mark Reyes.

Naging problema lang daw nila sa paggawa sa Mystified ay ang schedule nila dahil pare-pareho silang busy.

Kung napansin daw na hawig ang costume nila sa Encantadia, iyon daw kasi ang request sa kanila ng mga fans nila way back in 2005, nang ginawa nila ang telefantas­ya, ayon kay Diana.

“Malapit na pong mapanood ang digital movie namin sa iFlix. Sana ay mapanood ninyo.”

Mapapanood na ang Dragon Lady simula bukas, after ng Eat Bulaga, Lunes hanggang Sabado sa GMA-7.

 ??  ?? Diana
Diana

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines