Balita

Bulls, lusot sa Hawks sa 3OT

-

ATLANTA (AP) — Hataw si Zach La Vibe sa naiskor na career-high 47 puntos, habang naisalpak ni Lauri Markkanen ang dalawang free throws para sandigan ang Chicago Bulls sa 166-161 third overtime win kontra sa Hawks nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Nagtala rin ng caree-high 49 puntos si Trae Young para sa Atlanta.

Tumapos si Markkanen na may 31 puntos at 17 rebounds. Binasag niya ang 159-all sa dalawang free throw mula sa foul ni Alex Len.

Young and DeAndre Bembry had turnovers in the final 30 seconds of the third overtime, preventing the Hawks from an opportunit­y to snap a 155-all tie.

Naisalpak ni Ryan Arcidiacon­o ang 3-pointer para maipuwersa ang third overtime.

RAPTORS 119, BLAZERS 117

Sa Toronto, naisalpak ni Kawhi Leonard ang pahirapang baseline jump shot s hauling tatlong segundo para mailusot ang Raptors sa dikatang laban sa Portland Trail Blazers.

Kumubra si Leonard ng 38 puntos, habang tumipa si Kyle Lowry ng 19 puntos at 10 assists para sa ikasiyam na panalo ng Raptors sa huling 10 laro.

Nag-ambag si Marc Gasol ng 19 puntos at tumipa si Pascal Siakam ng 16 puntos sa Toronto, nagwagi sa apat na sunod na duwelo laban sa Portland ngayong season.

Nagsalansa­n si C.J. McCollum ng 35 puntos at pinantayan ang career na pitong three-pointers. Humugot si Damian Lillard ng 24 puntos at kumasa si Jake Layman ng 13 puntos sa Trail Blazers, nagatmo ng ikapitong sunod na kabiguan.

Naisalpak ni Lillard ang threepoint­er para maitabla ang iskor may 13 segundo ang nalalabi.

CELTICS 107, WIZARDS 96

Sa Boston, ginapi ng Celtics, sa pangunguna nina Kyrie Irving na may 13 puntos at 12 assists, gayundin si Al Horford na may 18 puntos, ang Washington Wizards.

Nag-ambag si Marcus Morris ng 17 puntos at siyam na rebounds, hagbang kumasa si Marcus Smart na may 16 puntos.

Naisalba ng Celtics ang banta na five-game losing skid para sa 16 puntos.

Nanguna sa Wizards sina Bradley Beal na may 29 puntos at 11 rebounds, habang tumipa sina Tomas Satoransky at Jeff Green ng tig-15 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines