Balita

Painters vs KaTropa

- Marivic Awitan

MAPANATILI at patatagin ang kanilang pangingiba­baw para sa target na pagpasok sa top 2 sa quarterfin­als ang tatangkain ng Rain or Shine sa pagsagupa sa TNT ngayong hapon sa 2019 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Center.

Ganap na 4:30 ng hapon ang tapatan ng Katropa at Elasto Painters sa nasabing Antipolo venue na susundan ng sagupaan ng Alaska at crowd favorite Barangay Ginebra ganap na 6:45 ng gabi.

Tatangkain ng Elasto Painters na kumalas sa kasalukuya­ng pagkakatab­la sa Phoenix taglay ang parehas na markang 7-1.

Sisikapin nilang makapagtal­a ng mas kumbinsido­ng panalo, kasunod ng kanilang 75-75 na pag-ungos noong Pebrero 13 kontra Magnolia para masolo ang pangingiba­w.

Sa panig naman ng kanilang katunggali­ng Katropa, magtatangk­a itong dugtungan ang naitalang 80-75 na panalo noong Pebrero 3 sa MOA Arena na nagluklok sa kanila sa ika-apat na posisyon hawak ang patas na barahang 3-3.

Umaasa ang TNT na hindi sila maapektuha­n ng isang buwan na pagkakabak­ante at makakatulo­ng sa koponan ang pagbabalik nina Gilas standouts Jayson Castro at Troy Rosario mula sa matagumpay nilang stint sa katatapos na FIBA World Cup Asian qualifiers.

Sa tampok na laban, target ng Kings na maitala ang ikatlong sunod na panalo at pang-4 na pangkalaha­tan habang nais naman ng Aces na makabalik sa winning track kasunod ng huling kabiguan sa kamay ng Fuel Masters (80-94) noong Biyernes.

Para sa Aces, hindi dapat na maging "excuse" sa kanilang muling pagkabigo ang patuloy na pagkawala ng ilan sa kanilang mga key players dahil sa injury.

"Right now we don’t want to make excuses. We just want to see this as a learning opportunit­y for us. Wake-up call na ‘to that we still have a lot to improve on and to get better,” pahayag ni Aces fifth overall pick noong 2017 Draft na si Jeron Teng.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines