Iloilo City, kampeon sa Visayas leg ng Batang Pinoy
ILOILO CITY -- Mahigpit ang kapit ng Iloilo City sa liderato hanggang sa huling araw ng kompetisyon ng 2019 Batang Pinoy Visayas Leg na ginanap sa Iloilo City Sports Complex dito.
Hanggang sa huling araw, batay partial unofficial medal tally, hawak ng host City ang unang puwesto sa kanilang 49-4039 Gold-Silver-Bronze output para sa kabuuang 128 medalya.
Bukod sa mga sports na volleyball, chess at arnis, nakahabol ng ginto ang Iloilo sa table tennis kung saan tatlong events sa girls category ang kanilang winalis.
"This is the first time Iloilo became number one in the Visayas leg.We are very happy about it. The seeds we planted yesterday has now become fruitful," pahayag ni Iloilo City Youth and Sports Development Head na si Moises Salmorin Jr.
Sinabi pa ni Salmorin na ipagpapatuloy ng Iloilo City Government ang pagsuporta sa mga batang atleta kung saan aniya ang mga sports equipments na ipagkakalob ng Philippine Sports Commission (PSC) ay kanilang gagamitin upang palawigin pa ang kampanya ng nasabing probinsya at paghandaan ang National Finals ng Batang Pinoy.
"Right after closing mag papahinga lang one week and continue another set of training. Those equipments that will be donated by the PSC will be used for our athletes' training. Kaya maraming salamat po PSC," ayon kay Salmorin.
Humalili naman sa Iloilo sa second place ang Cebu City na may 34-46-48 kasunod ang Cebu Province na may 32-27-40, habang ang Negros Occidental ay nasa ikaapat at Lapu Lapu City ang ikalima.