Balita

GRADE 6, MAY GRADUATION DIN

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Nilinaw kahapon ng Department of Education (DepEd) na gaya ng mga Grade 12 completers, may graduation din ang magsisipag­tapos sa Grade 6 ngayong School Year 2018-2019.

Ginawa ng DepEd ang paglilinaw sa inisyu nitong Memorandum No. 025, series of 2019, na pirmado ni Education Secretary Leonor Briones, at may titulong “Graduation ceremony for Grade 6 completers in School Year 2018-2019”.

“This memorandum clarifies that at the end of school year rites for Grade 6 completers this School Year 2018-2019 shall be a graduation ceremony, as stated in the attached DepEd Order No. 2, series of 2019, issued on February 18, 2019,” bahagi ng memorandum.

Paliwanag ng DepEd, “under discussion” o tinatalaka­y pa ng Executive Committee at hindi pa ipatutupad ang pagdaraos ng movingup ceremony, sa halip na graduation, para sa Grade 6 completers.

Sakali umanong maaprubaha­n ito, tiniyak ng DepEd na kaagad nila itong ipaaalam sa kinauukula­n.

“The moving-up ceremony instead of graduation for Grade 6 completers is under discussion by the Executive Committee. Should this be approved, DepEd assures all concerned that this will be announced with sufficient lead time,” anang DepEd.

Kaugnay nito, humingi ng paumanhin ang DepEd sa inconvenie­nce at kalituhan na idinulot ng mga unang balita naglabasan hinggil sa kawalan ng graduation ceremony para sa Grade 6 completers.

Nauna rito, napaulat na sinabi umano ng DepEd na sa ilalim ng K to 12 program ng pamahalaan, tanging ang mga estudyante lang sa Grade 12 ang magkakaroo­n ng graduation ceremony, at moving-up ceremony lang ang idaraos para sa mga nakakumple­to ng Kindergart­en, Grade 6, at Grade 10.

Ang 2019 ceremonies ngayong taon ay may temang “Pagkakaisa sa Pagkakaiba-iba: Kalidad na Edukasyon para sa Lahat”.

Inaatasan naman ng DepEd ang pamunuan ng mga pampubliko­ng paaralan na idaos ang kanilang mga Endof-School-Year (EOSY) rites sa pagitan ng Abril 1 at Abril 5, 2019.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines