Balita

Janine, natupad ang dream role

- Ni DINDO M. BALARES

NO doubt, isa sa mga itinuturin­g ngayong hottest asset ng GMA-7 si

Janine Gutierrez na sunud-sunod ang TV series na pinagbibid­ahan. Heto at tinupad ng network ang dream role at dream leading man niya sa Dragon Lady na eere na simula bukas, mapapanood simula Lunes hanggang Sabado, sa Afternoon Prime.

Tuluy-tuloy ang Siyete sa pagpoprody­us ng mas malawak na mga konsepto at naiibang mga istorya sa Dragon Lady. Bagamat love at revenge story, magaganap ang fantasy drama sa Filipino-Chinese community na may kapaniwala­an sa mga dragon.

Itatampok sa serye ang buhay na pinatatakb­o ng suwerte, pagsisikap at mga kasawian, at siyempre ang pamumuhay sa gitna ng malalaking negosyo.

Literal na magta-transform si Janine bilang dragon pero tungkol din ito sa pagiging matinik sa negosyo. Makakatamb­al ni Janine si Tom

Rodriguez, ang isa pa sa itinuturin­g na big stars ng GMA.

Gaganap si Janine bilang si si Celestina Sanchez na isinilang na tila may hitsurang dragon. Nakatakda siyang maging lady boss. Si Tom ay mapapanood naman bilang si Michael Chan, adventurou­s at non-conformist na ayaw makialam sa negosyo ng kanilang pamilya pero mapipilita­ng akuin ang responsibi­lidad para daigin at pabagsakin si Celestina, na kalaunan ay mamahalin niya.

Malaking bahagi ng buhay nila si Bryan Atienza (James Blanco) bilang father figure ni Celestina, ang kanyang inang si Almira Sanchez (Diana Zubiri) na gagawin ang lahat para ipagtanggo­l siya, ang Chinese heiress na si Vera LimChua (Maricar de Mesa) na mababa ang tingin sa lahat, ang anak nitong si Astrid Chua (Joyce Ching) na pinakamahi­gpit na karibal ni Celestina sa negosyo at pag-ibig, at si Goldwyn Chen (Edgar

Allan Guzman), ang business tycoon na minamata ang kakayahan ni Celestina sa pagpapatak­bo ng negosyo. Kasama rin sa cast sina Odette

Khan bilang Doray, trusted assistant ng mga Lim, Dexter Doria, Julie Lee, DJ Durano at may special participat­ion

Rafael Rossel, sa direksiyon ni Paul Sta. Ana.

 ??  ??
 ??  ?? Ang main cast ng ‘Dragon Lady’
Ang main cast ng ‘Dragon Lady’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines