Balita

Jaya, may 30th anniversar­y concert

- Reggee Bonoan

TAONG 1995 at kasagsagan noon ng GMA-7 weekly TV series na

TGIS, na lagi naming pinapanood, at pumupunta rin kami sa tapings nila.

That time, sikat na sikat ang mga kanta ni Jaya Ramsey, dahil ang mga ito ang soundtrack ng nasabing programa nina Angelu de Leon, Bobby Andrews at iba pa, hanggang sa naging pelikula na ang TGIS. Naging personal favourite pa namin ang hits ni Jaya na Wala Na Bang Pag-Ibig, Laging Naroon Ka, Kung Wala Ka Na, Dahil Tanging Ikaw, at Dahil Ba Sa Kanya.

Kaya nang mabasa namin ang presskit ng Jaya: At Her Finest…the 30th Anniversar­y Concert na ipinamahag­i sa videoke blogger’s presscon, natuwa kami at nagsabi talaga kaming manonood kami ng show niya sa The Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa Abril 3, 8:00 ng gabi.

“This is the most critical concert that I will be doing, pero parang ito ‘yung pinaka-relax,” sabi ni Jaya. “Kasi sa mga nakakakila­la na sa akin, na kapag sinabing concert, I’ll get nervous. It’s not a common thing to do na may pinaghahan­daan, and this one is a combinatio­n of 30 years, three decades of different things happening.”

Naikuwento rin ni Jaya nang magsimula siyang maging singer sa Amerika, kung saan napasama ang awitin niyang If You Leave Me Now, mula sa unang album niyang Jaya, sa US Billboard Hot 100 chart noong Oktubre 1989, at umabot sa #44 ng Pebrero 1990 sa loob ng 26 weeks.

Sa mga hindi nakakaalam ay nagsimula si Jaya ng career niya sa Amerika bilang dance artist, kaya natanong siya kung sasayaw siya sa concert niya sa Abril 3.

“Meron namang konti, hindi ko naman mapigilang hindi sumayaw. We will do a number na medyo mahaba siya, kasi iyon ‘yung part na point kasi ng concert is tatlong dekada so there will be a part there na sayawan,” sabi pa ng tinagurian­g Queen of Soul.

Taong 1995 nang dumating sa Pilipinas si Jaya at kasama raw siya ni Ms Pilita Corrales. Ayon sa singer, kinailanga­n niyang umuwi sa bansa dahil nagkaroon siya ng problema.

“I wasn’t’ living a comfortabl­e life in America. Dumating ako 1996, nakita ako ng Cristy Per Minute, si Direk Bobet

Vidanes ang nagka-camera pa no’n. “Nag-stop na kasi akong kumanta since 1992. Tumigil ako, I was really depressed. It was not a good life, it was a struggle. I don’t think I was depressed pero family life is really hard to a point that I became homeless. Sabi ko nga, may seasons, ‘yung time na ‘yun may sumalo sa akin happened to be the guy I married first, si Andrew (Puti).

“And then may tumawag sa nanay

ko (Elizabeth Ramsey) gusto siyang mag-guest sa Carmen Soriano and Pilita show yata. Eh, sabi ng nanay ko, ‘day hindi ako mag-perform kung hindi ka opening.’ Eh sabi ng producer ‘hindi ikaw ang kailangan namin, ayaw namin sa ‘yo.’

“It was risky, I will never forget that. That’s why I’m saying this na doon sa mga nawawalan ng pag-asa, trust me, there’s a way. So nu’ng sinabi ‘yun na ayaw ng nanay ko, tumawag sila ulit at pumapayag na sila ‘coz they really wanted her.

“So nu’ng nag-show, ako ‘yung opening, narinig ni Ms Pilita. Undergroun­d ‘yung dressing room, and asked me who am I. Sabi ng ex ko, she’s Elizabeth Ramsay’s daughter. And bumaba ako, so nagkita kami at sabi niya, umuwi raw ako (sa Pilipinas). Sabi ko ‘no’, kasi mataba ako, 170 pounds, kulot ang buhok at maitim talaga.

“So the second show, napapayag

na niya (Pilita) ako, pero struggle pa rin pagpunta ko rito. Kasi I have to record to the US four songs. So nag-start na kami, 1995. So pag-uwi ko, tinago muna ako,” balik-tanaw ni Jaya.

Hanggang sa napasama si Jaya sa Metro Pop (May 7, 1996) bilang kapalit ni Dulce, na noon ay hindi pumuwedeng i-interpret ang awiting Sometimes You Just Know, na sinulat at

composed nina Danny Tan at Edith Gallardo.

“Sa akin binigay. Eh ayoko, kasi ayaw ng Viva, kasi detrimenta­l kung matalo ako, paano nila ako ipo-promote sa pagkatalo? But we convinced Boss

Vic (del Rosario) na okay lang kung mananalo. So ako nanalo, tuluy-tuloy na (career),” kuwento ni Jaya.

Sa GMA-7 sumikat si Jaya, at sa katunayan ay 16 years siyang naging Kapuso. Sa ngayon, tatlong taon na siyang Kapamilya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines