Balita

Bahay nila ni Carla, pinag-iipunan pa ni Tom

- Ni NORA V. CALDERON

WALANG katotohana­n ang balitang engaged na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Ito ang nilinaw ni Tom sa media conference ng bago niyang Afternoon Prime fantasy-drama series sa GMA-7, ang Dragon Lady.

“No, it’s not true na nag-propose na ako sa kanya,” sabi ni Tom. “Pinaghahan­daan pa namin ang future namin bago ang pagpapakas­al, kaya una-una muna. Sa ngayon kasi, pinag-iipunan ko pa ang ipagpapata­yo ko ng bahay namin. Iyon kasi ang usapan namin ni Carla, ako ang magpapatay­o ng bahay sa lote na binili niya. Kaya work muna ako.”

Five years na ang relasyon nina Tom at Carla, kaya naman hindi na itinanggi ni Tom na parang live-in na sila ni Carla, dahil madalas siyang nasa bahay ni Carla at si Carla rin sa condo naman niya. Ganoon na raw ang set-up nila ni Carla para may chance sila to be together.

Kaya kapag busy siya dahil sa work at hindi na siya makakauwi sa unit niya at mas malapit ang bahay ni Carla, doon na siya tumutuloy. By that, ay lagi pa rin silang nagkikita kahit pareho silang busy. Masaya si Tom sa bago niyang project na

Dragon Lady dahil first time niyang gaganap na isang Chinese, at kinailanga­n niyang mag-aral magsalita ng Mandarin.

“Kaya thankful ako sa GMA dahil may kinuha silang Chinese consultant, si Madam Rebecca Shangkuan Chuaunsu, na nagbabanta­y sa akin sa taping para itama niya ang pronunciat­ion ko ng Mandarin words sa dialogue ko. Inaayos din niya ang dialogue ko na hindi makaka-offend sa Chinese community. May sarili rin akong stylist ng Chinese costume.”

First time lamang magtatamba­l sa isang big project sina Tom at Janine Gutierrez sa Dragon Lady.

Sa ngayon, hindi pa sila nagkakasab­ay ni Janine sa taping dahil nag-aaral muna siya ng mga tradisyong Chinese na gagamitin niya sa serye bilang si Michael Chan, ang Filipino-Chinese na ayaw ma-involve sa kanilang family business. Pero kinailanga­n niyang patunayan sa kanyang pamilya ang kakayahan niya, na naging dahilan ng downfall ni Celestina Sanchez (Janine), na sa huli ay natutuhan niyang mahalin.

Sa direksiyon ni Paul Sta. Ana, mapapanood na ang Dragon Lady simula bukas, March 4, sa world premiere nito pagkatapos ng Eat Bulaga

sa GMA Network.

 ??  ?? Tom at Carla
Tom at Carla

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines