Balita

Ed Caluag, balik-‘KMJS’ ngayong Linggo

-

MULING nagtala ng bagong record ang most-awarded magazine show na Kapuso

Mo, Jessica Soho (KMJS) matapos pumalo sa 19. 2 percent people rating ang February 24 episode nito sa National Urban Television Audience Measuremen­t, base sa Nielsen TV Audience Measuremen­t.

Pero mas dapat tutukan ang KMJS ngayong Linggo dahil magbabalik na ang isa sa mga pinakakont­robersiyal na paranormal investigat­or ngayon sa Pilipinas—si Ed Caluag!

Naging laman ng sari-saring memes at videos si Ed, at sa kanyang pagbabalik sa KMJS, ibabahagi naman ni Ed ang kuwento ng kanyang buhay.

Samantala, natupok ng apoy ang mgabahaysa­Duma-DumaTago, Surigao del Sur. Pero wala ni isang nasaktan o nasugatan. Ang paniniwala ng mga residente, iniligtas sila ni Hesukristo! Patunay raw rito ang hindi pagkakaabo ng mga pahina ng libro kung saan nakaguhit si Hesus. At ang Tagapaglig­tas, nakunan daw ng litrato? Iimbestiga­han ito ng KMJS. Itinampok noong nakaraang Linggo ang kuwento ni Ellen, na hinahanap ang anak niyang si Jimuel. Pinaniniwa­laan niyang dinukot ng sindikato si Jimuel. Pero talaga nga bang kinuha ng mga masasamang loob si Jimuel? Viral kamakailan ang isa sa tinagurian­g cleanest water sa buong bansa—ang ilog ng Barobo sa Surigao del Sur. Pero gaano katotoo na isang syokoy daw ang tumutulong para mapanatili ang kalinisan ng ilog? Samantala, sasagutin kung bakit nga ba humahanton­g sa punto na gumagamit na ng dahas si misis laban sa kanyang mister? Sa ating lipunan, marami nga bang battered husbands? Abangan lahat ng ito at iba pa sa Kapuso Mo, Jessica Soho, pagkatapos ng Studio 7 sa GMA-7 mamayang Linggo ng gabi.

 ??  ?? Ed
Ed

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines