Balita

2 sa Jussie Smollet hate crime, nag-public apology

-

HUMINGI ng paumanhin sa publiko ang magkapatid, na umano’y binayaran ni Jussie Smollett “to stage a bogus hate crime attack” laban mismo sa sarili niya. Ayon sa People, nag-release ang abogado nina

Abimbola “Abel” at Olabinjo “Ola” Osundairo ng pahayag sa CBS Chicago nitong Huwebes, at nakasaad dito, “(the two men felt) tremendous regret” dahil sa pagkakasan­gkot sa sitwasyon.

Humingi rin sila ng paumanhin para sa negatibong epekto nito sa mga tao, partikular sa mga naging biktima ng hate crimes.

“My clients have tremendous regret over their involvemen­t in this situation, and they understand how it has impacted people across the nation, particular­ly minority communitie­s and especially those who have been victims of hate crimes themselves,” nakasaad sa pahayag.

Sa inisyal na report tungkol sa umano’y hate attack, inihayag ni Jussie sa pulisya na pisikal siyang inatake ng dalawang nakamaskar­ang black people sa isang kalye sa Chicago bandang 2:00 ng madaling araw noong Jan. 29, “who used racist and homophobic slurs”, bago siya binuhusan ng “unknown chemical substance” at sakalin gamit ang lubid.

Inaresto ng mga pulis sina Abel at Ola, na namataan sa surveillan­ce footage nang maganap ang insidente, na pinakawala­n din kalaunan dahil ayon sa mga ito, palabas lamang ang naganap na pag-atake.

Nauna nang sinabi ng abogado ng Osundairo brothers, si Gloria

Schmidt, sa CBS Chicago na kilala nila si Jussie dahil nagtrabaho ang mga ito sa Empire at nagkakasab­ay silang magpunta sa iisang gym paminsanmi­nsan.

Naniniwala ang mga awtoridad na binayaran ng aktor ang magkapatid para gumawa ng “bogus” hate crime attack laban sa kanya para makakuha ng atensyon dahil hindi umano kuntento si Jussie sa natatangga­p na suweldo mula sa pag-arte sa Empire — na itinanggi naman ng aktor.

Inaresto si Jussie nitong February 21 at pinalaya rin nang araw na iyon nang magpiyansa ng $100,000.

 ??  ?? Abel at Ola
Abel at Ola

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines