Balita

Katherine Helmond ng ‘Soap’, pumanaw

-

PUMANAW na ang aktres na si Katherine

Helmond, seven-time Emmy Award nominee na gumanap bilang lusty matriarch sa hit television sitcoms na Soap at Who’s the

Boss mula 1970s hanggang 1990s, sa edad na 89, inihayag ng kanyang talent agency nitong Biyernes.

Binawian ng buhay si Katherine, na sikat din sa karakter niyang bilang isang “vain woman obsessed with plastic surgery” dystopian film na Brazil (1985) ni Terry Gilliam, nitong Feb. 23 sa kanyang bahay sa Los Angeles dahil sa mga kumplikasy­on ng Alzheimer’s disease.

“My beautiful, kind, funny, gracious, compassion­ate, rock,” post ni Alysssa Milano, na nakasama ni Katherine sa Who’s the Boss, sa Twitter. “You were an instrument­al part of my life. You taught me to hold my head above the marsh! You taught me to do anything for a laugh! What an example you were!”

Nasa kanyang 40s si Katherine nang maging nominado para sa Tony Award para sa kanyang pagganap sa Broadway bago siya nagkaroon ng starring role sa Soap, isang prime-time parody ng daytime soap opera na umere sa ABC network na nagkaroon ng apat na season, simula 1977 hanggang 1981. Kalaunan ay bumida naman siya sa Who’s

the Boss? ng ABC kasama si Alyssa, Tony Danza at Judith Light mula 1984 hanggang 1992, na sinundan ng kaparehong roles sa mga sitcom na Coach, na pinagbidah­an ni Craig T. Nelson mula 1995 hanggang 1997, at Everybody

Loves Raymond kasama si Ray Romano mula

1996 hanggang 2004.

“Katherine Helmond was a remarkable human being and an extraordin­ary artist; generous, gracious, charming and profoundly funny,” lahad ni Judith sa isang pahayag. “She taught me so much about life and inspired me indelibly by watching her work. Katherine was a gift to our business and to the world, and will be deeply missed.”

Naulila ni Katherine ang kanyang ikalawang asawa na si David Christian.

“She was the love of my life,” sabi ni Christian sa isang pahayag nitong Biyernes. “We spent 57 beautiful, wonderful, loving years together, which I will treasure forever.”

 ??  ?? Katherine
Katherine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines