Balita

THAI, NAMAN!

Nalzaro, silver medalist; apat na bronze sa RP Team

- Ni KRISTEL SATUMBAGA

ILAGAN, Isabela— Nakasingit si Princes Jean Nalzaro ng Team Philippine­s sa maagang ratsada ng Thailand sa opening day ng 2019 Southeast Asian Youth Athletics Championsh­ips kahapon sa City of Ilagan Sports Complex dito.

Sumikwat ng silver medal si Nalzaro, sumabak sa unang pagkakatao­n sa internatio­nalflavore­d meet, sa girls 100m hudles sa bilis na 15.61 segundo sa likod ni Thai Natthicha Sengna (15.40). Pangatlo si Malaysian Halimatul Raja (15.76).

“First time ko pong internatio­nal kaya kinabahan ako,” pahayag ni Nalzaro, pambato ng Buanoy National High School sa Balamban, Cebu.

Maagang nagpamalas ng dominasyon ang Thai, bukod kay Sengna, ay humataw din si Peerapat Insuwan, 16-anyos mula sa Trang City, sa boys high jump sa taas na 1.93 meters, laban kina Jonathan Pua Wei Kai of Singapore (1.93m) at local bet Patrick Shane Tolentino (1.90m).

Nagwagi rin sina Thai Athibodee Aonthongya­i sa boys long jump (6.82m), Supisara Kinlaor sa boys javelin throw (51.53m) at Bandit Singhatong­kul sa boys discus throw (51.67m).

Bukod kay Tolentino, nagwagi rin ng bronze medal sa Team Philippine­s sina

Jeshrelvan Ombid sa boys 800m (2:00.83), Michael Alfred Adan sa boys 2000m steeplecha­se (7:52.53) at Tara Borlain sa girls 800m (2:18.67).

Nakaungos si Borlain, pambato ng bansa sa darating na SEA Games, sa unang 400-meter lopp, ngunit kinapos sa huling ratsadahan.

“It was tough and hot out there. I believe I could have done better but my legs were really tired in the end,” pahayag ng 15-anyos FilipinoAm­erican.

Umani rin ng ginto ang Vietnam sa napagwagih­ang tatlong event, habang timisa ang Malaysia at Timor Leste.

Nakamit ni Matilva Marcal Trindade ang ginto sa Timor Leste sa girls 2000m steeplecha­se sa tyempong 8:52.81.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines