Balita

Insurance sa estudyante, plano ng DepEd

- Nina MARY ANN SANTIAGO at MERLINA HERNANDO-MALIPOT

Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang posibilida­d na bigyan ng isang-taong insurance ang lahat ng mag-aaral, kasabay ng panawagan sa mga regulatory agency “[to] keep a sharper eye” sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga sasakyan— lalo na sa mga nagsasakay ng mga estudyante.

Ito ang kinumpirma ni Education Secretary Leonor Briones, nang magpaabot siya ng pakikirama­y sa pamilya at dumalaw sa burol ng limang estudyante ng Basay National High School na nasawi sa banggaan sa Zamboangui­ta, Negros Oriental nitong Biyernes.

“Each time groups of children go out of the periphery of our campus, participat­e in competitio­ns, and travel to other places, they have to be covered by insurance so that if there is a need for benefits and for assistance, these can be available,” saad ni Briones habang ipinapaliw­anag ang pangangail­angan para sa probisyon ng insurance sa mga batang magaaral, na may kabuuang 27 milyon.

Nanawagan din ang kalihim sa mga regulatory agencies na maging mahigpit sa pagbabanta­y at pagsasagaw­a ng assessment sa mga sasakyan, lalo na ang gaya ng sinakyan ng mga biktima.

Dapat na rin, aniya, itong talakayin sa susunod na budget proposal lalo’t “provision of financial assistance for these types of incidents is not included in the DepEd budget.”

Hiningi na rin ni Briones ang “greater vigilance” sa pagbabanta­y sa mga bata, kasabay ng panawagan sa mga civil society organizati­ons, mga lokal na pamahalaan, pamahalaan, at komunidad na maging “more vigilant in protecting children because they are the first victims of accidents and abuse.”

Samantala, personal na nakiramay si Briones sa pamilya ng mga estudyante­ng nasawi habang pauwi mula sa isang Mathematic­s competitio­n sa Cebu, kung saan nagwagi ang mga ito sa eliminatio­n round.

Binisita rin niya ang iba pang biktima na nagapagali­ng sa Silliman University Medical Center at Negros Oriental Provincial Hospital.

Kasabay nito, umapela ng donasyong pinansiyal si Briones, hindi lang para sa pamilya ng mga nasawi, kundi para sa gastusin sa ospital ng anim pang nagpapagam­ot pa rin sa ngayon.

Kabilang sa mga ginagamot pa ang limang estudyante ng Grade 11 at kanilang coach—at tatlo sa mga ito ang nasa intensive care unit.

 ??  ?? Kabilang sa makukulay na float na pumarada kahapon sa Panagbenga Festival 2019 sa Baguio City ang sa NLEX Road Warriors at NLEX-SCTEX.
Kabilang sa makukulay na float na pumarada kahapon sa Panagbenga Festival 2019 sa Baguio City ang sa NLEX Road Warriors at NLEX-SCTEX.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines