Balita

6 CHINESE, TIKLO SA KIDNAPPING

- Fer Taboy at Martin Sadongdong

Natimbog ng mga awtoridad ang anim na Chinese matapos umanong dukutin ang isa nilang kababayan sa Calamba City, Laguna, nitong Sabado ng gabi.

Sa report ni Laguna Provincial Police Office (LPPO) director, Supt. Eleazar Matta, nakilala ang mga suspek na sina Xin Wang, 30, tubong Shen Xi, China; Sun Qing Ji, 26; Hong Zhong Ah, 38; Yan Ben, 24; Zhao Da Hai, 40 at Si Cuan, 42, pawang miyembro umano ng loan shark syndicate na nagpapauta­ng sa mga Chinese tourist upang magsugal sa casino.

Hindi muna isinapubli­ko ng mga awtoridad ang pagkakakil­anlan ng biktima na isang 30-anyos at tagaShangh­ai, China.

Sa rekord ng kaso, dinukot ng mga suspek ang biktima sa nasabing lungsod at dinala ito sa isang resort sa Purok 1, Barangay Pansol sa naturang siyudad, nitong Pebrero 27.

Sa pahayag ni Matta, nakatangga­p sila ng impormasyo­n kaugnay ng pagdukot sa nasabing Intsik na humihingi ng tulong sa mga awtoridad.

Kaagad na sinalakay ng mga awtoridad ang resort na nagresulta sa pagkakadak­ip ng anim na suspek at ikinasagip din ng biktima, dakong 11:00 ng gabi.

Sinabi nito, modus operandi umano ng sindikato na magpautang sa mga kapwa Chinese.

Kapag hindi umano nakababaya­d ay mangingidn­ap na sila at hihingi ng ransom sa mga kaanak ng kanilang biktima.

Ayon pa kay Matta, marami na ang naging biktima ng sindikato na patuloy pa rin nilang iniimbesti­gahan.

Ang anim na suspek ay nakatakdan­g kasuhan ng kidnapping sa Laguna Provincial Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines