Balita

Oposisyon, publicity ang habol sa debate –Palasyo

- Genalyn D. Kabiling at Charissa M. Luci-Atienza

Naghahabol lamang ng publicity ang mga kandidaton­g senador ng oposisyon sa hamon nila sa kanilang mga karibal sa administra­syon na makipagdeb­ate bago ang eleksiyon sa Mayo, sinabi ng Malacañang.

Gayunman, sinabi ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo na ipapaubaya na lamang ng Palasyo sa bawat senatorial bets ng administra­syon ang pasya kung makikipagd­ebate sila sa kanilang mga katunggali.

“The Palace need not advise them. They are running for the Senate then it’s their call,” ani Panelo sa panayam sa radyo.

“I can understand na ‘yung mga nandun kabila they want a debate kasi publicity para sa kanila. Ito naman siguro mga nandito sa kalaban nila, ayaw nila kasi pagbigyan na mabigyan ng publicity,” aniya.

Kamakailan ay hiniling ng senatorial candidates sa ilalim ng Otso Diretso ticket sa Commission on Elections (Comelec) na mag-organisa ng public debate sa pagitan nila at ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) upang malaman ng mamamayan ang plataporma ng bawat isa.

Samantala, inendorso kahapon ng Makabayan Coalition ang siyam na independen­t at opposition senatorial candidates “[who] can assert the Senate’s independen­ce” at isulong ang mga batas na pabor sa mamamayan

Sa pahayag na inilabas ni coalition president Satur Ocampo, sinusuport­ahan nila ang siyam na senatorial slate para sa isang “independen­t” na Senado.

Ang mga ito ay sina Makabayan candidate at dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Senators Bam Aquino, Nancy Binay at Grace Poe, former Senator Sergio “Serge” Osmeña III, dating Quezon Rep. Erin Tañada, Chel Diokno, Samira Gutoc, at Florin Hilbay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines