Balita

French, kinasuhan sa rape videos ng mga batang Pinoy

-

STRASBOURG, France (AFP) – Isang lalaki ang kinasuhan ng pag-oorder ng mga video ng rape at sexual assault, ang ilan ay sa mga bata, na naka-broadcast nang live mula sa Pilipinas, sinabi ng isang French prosecutor nitong Sabado.

Ang suspek, isang 55-anyos na dating pulis ayon sa pahayagang L’Est Republicai­n, ay idinedite sa kasong conspiracy to commit rape and sexual assault on someone under 15 years of age, sinabi ni Francois Perain, prosecutor sa silangang lungsod ng Nancy, sa AFP.

Nag-tip ang US Department of Homeland Security sa French officials tungkol sa mga aktibidag ng isang French national mula 2017 hanggang 2018, sinabi ni Perain.

Nasundan nila ang bakas nito matapos makita sa kagamitan na nasamsam sa raid sa isang suspek sa Pilipinas ang ebidensiya ng livestream­ed sexual assaults.

Ang sistema ay kinabibila­ngan ng live broadcast ng assaults at paniningil sa mga tao para mapanood sila at ang mga biktima, na ang ilan ay mga bata, ayon sa prosecutor.

Gamit ang online chatrooms, o-order ang mga kliyente at ilalarawan ang gustong magiging biktima at kung anong pang-aabuso ang gagawin, at magbabayad ng $15-60.

Kahit na ang ilang videos ay prerecorde­d, ang iba ay bino-broadcast nang live upang ang taong nanonood ay maaaring magdikta sa mga nangyayari, sinabi ni Perain.

Inamin ng suspek sa mga imbestigad­or na nagbayad siya para sa ganitong videos ngunit iilan lamang ang may kasangkot na menor de edad, dagdag ng prosecutor.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines