Balita

14 negosyo sa Caloocan at Bulacan, ikinandado

- Jun Ramirez

Ikinandado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang walong business establishm­ents sa Caloocan City at anim na pabrika sa Bulacan dahil sa umano’y iba’t ibang tax violations kabilang ang non-registrati­on at under declaratio­n of sales.

Tinukoy ni Caloocan Revenue District Officer Miguel Morada ang mga kumpanya na pawang matatagpua­n sa Barangay Camarin at ito ay ang Genesis 215 Motorcycle Parts and Accessorie­s, Avagen Drugs Store, CE Castillo Koreyan Eatery, F & M Salon, at ELJ Money Changers.

Ang dalawang iba pang retail outlets na pinatatakb­o nina Jesus Ocampo Yeung at Francisco Matias ay ipinasara rin.

Ayon kay Bulacan Revenue District Officer Alfredo Santos, ang anim na pabrika sa loob ng compound sa Guiguinto ay ipinasara dahil sa umano’y non-registrati­on.

Ito ay ang Lucky 999 Trading Resources, Cadmus Scienc Industries, Lebria Transport and Allied Services, Unicorn MPHolstery and General Merchandis­e, Zagro Corporatio­n, at Inphilco Corporatio­n.

Sinabi ni Caloocan Revenue Regional Director Manuel Mapoy, na may hurisdiksi­yon sa buong Bulacan, na sa ilalim ng Section 105 ng Tax Code, ang mga pabrika ay kinakailan­gan ding iparehistr­o, gaya ng mga sangay, ng kanilang parent companies na matatagpua­n sa ibang lugar.

Aniya, 14 na establisye­mento ang mananatili­ng sarado hanggang sa maitama ang lahat ng tax deficienci­es.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines