Balita

Dalawang kelot kulong sa holdap, pananaksak

- Erma R. Edera

Dinampot ang dalawang lalaki matapos umano nilang holdapin at saksakin ang isang musician sa Maynila, nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Remar Garbo, 32, ng Sta. Cruz, Maynila; at Robert Valdez, 24, ng Sta. Maria, Bulacan.

Sa imbestigas­yon, naglalakad pauwi ang biktimang si Joseph Cyrus Roque, 43, freelance singer at residente ng Quezon City, nang holdapin siya ng mga suspek at saksakin sa likod sa kahabaan ng Sta. Monica Street, Ermita, Maynila, dakong 1:09 ng madaling araw.

“Sinabihan ako ng holdap. Tapos sinaksak ang likod ko,” pahayag ni Roque.

Aniya, kinuha ng dalawa ang kanyang wallet, na naglalaman ng P8,000 cash; at relo, na nagkakahal­aga ng P13,000. Matapos ang panghohold­ap, naglakad ang mga suspek sa Mabini St., sa Ermita, Maynila, dagdag niya.

Nakasalubo­ng ng biktima ang barangay tricycle patrol at nagpasaklo­lo.

Nagsagawa ng follow-up operation laban sa mga suspek at inaresto sa panulukan ng Mabini at Padre Faura Streets sa Maynila.

Gayunman, habang sila ay pauwi sa barangay, tumalon ang mga suspek mula sa barangay patrol at nagkaroon ng habulan.

Tuluyang dinakma ang mga suspek sa J. Bacobo St., malapit sa corner Malvar Street.

Narekober sa mga suspek ang isang nine-inch butterfly knife, kitchen knife, wallet at relo ni Roque.

“Para sa gatas ng anak ko ‘yon. Magtrabaho din kayo,” sabi ni Roque sa mga suspe.

Kakasuhan ang mga suspek ng robbery hold-up, frustated homicide, at paglabag sa Omnibus Election Code.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines