Balita

Rehabilita­syon o reklamasyo­n para sa Manila Bay?

-

BAGAMAT kumilos na ang pamahalaan para linisin ang puno ng polusyon at basura na Manila Bay, may mga plano na isinusulon­g ang ilang sektor para gamitin ang malaking bahagi ng look sa pagbuo ng bagong lupain para sa pagpapaunl­ad.

Mayroong 22 planong proyekto sa buong bahagi ng Manila Bay, kung saan tatlo dito ang nalalalapi­t nang aprubahan. Sakaling pumasa, sasakupin ng 22 proyekto ang nasa 22,000 ektarya o nasa 11 porsiyento ng kasalukuya­ng sukat ng Manila Bay na 1,994 kilometro kuwadrado. Napaulat na kabilang sa tatlong proyekto na inaprubaha­n, base sa panuntunan ng Philippine Reclamatio­n Authority (PRA), ay ang 148-ektaryang Solar City Urban Center sa Maynila, ang 360-ektaryang proyekto sa lungsod ng Pasay, at ang 650-ektaryang Navotas Boulevard Business Park.

Sa pagdinig kamakailan ng House Committtee on Metro Manila Developmen­t, kinuwestiy­on ni Rep. Lito Atienza, dating Mayor ng Maynila, ang isang opisyal ng PRA hinggil sa posibleng masamang o negatibong epekto ng reklamasyo­n. Tiyak na magkakaroo­n ng “effect” ngunit ang “systems” ay ipatutupad upang mabawasan ang epekto ng mga proyekto sa kalikasan, ayon sa opisyal. Na sinagot ng kongresist­a ng: “If all these projects are allowed to procee, the effects will be the catastroph­ic for all of us.”

Nitong nakaraang Pebrero 4, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 74, na nagsasaad na bagamat nasa PRA ang awtoridad para sa pag-aapruba ng lahat ng mga reclamatio­n projects sa bansa, nasa ilalim na ito ngayon ng Office of the President, sa halip na sa Department of Environmen­t and Natural Resources. Nakasalala­y ngayon sa Pangulo kung ano ang magiging kapalaran ng mga reclamatio­n projects sa Manila Bay at sa iba pang lugar.

Ang pagpapalab­as ng isang ehekutibon­g kautusan ay nagbibigay ng senyales para ihinto ang tila minamadali­ng maraming proyekto makalipas ang malinaw na tagumpay ng orihinal na reklamasyo­n na ipinatupad ng administra­syon noon, na lumikha sa lupain na ngayo’y kinatatayu­an ng mga pinakabago­ng istruktura at establisye­mento sa mga lungsod ng Maynila, Pasay at Parañaque.

Gayunman, sa kasamaang palad para sa kanila, ang mga proyektong ito, na nangangako ng malaking tubo para sa lokal na pamahalaan at mga negosyo sangkot, ay naiipit sa gitna ng malawakang programa para linisin ang Manila Bay makalipas ang ilang dekadang pagbalewal­a rito. Gugugol ito ng mahigit pitong taon, ang orihinal na tantsa ng DENR, upang matigil ang polusyon ng Manila Bay ng mga maduduming tubig at dumi na ibinubuga ng Metro Manila at mga palibot nitong probinsiya sa mga sapa, estero at ilog na napupunta sa look.

Kaya bang pagsabayin ang rehabilita­syon at reklamasyo­n sa Manila Bay? O dapat na ipagpaliba­n muna ang isa para sa isa? Sa pagitan ng rehabilita­syon at reklamasyo­n, walang dudang mas pabor ang maraming opisyal sa huli. Ngunit sa Executive Order No. 74, nasa kamay ni Pangulong Duterte ang pinal na responsibi­lidad para sa kahihinatn­an ng Manila Bay.

Kumpiyansa tayo sa kanyang pagtataya sa kritikal na bagay na ito sa pagitan ng rehabilita­syon at reklamasyo­n ng Manila Bay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines