Balita

R65.5-M proyekto sa mga magsasaka ng Panay Island

-

SA pakikiisa ng Department of Agricultur­e (DA), ang mga magsasaka ng Panay Island ang benepisyar­yo ng P65.5 milyong halaga ng proyekto na pinondohan­g tulong mula sa Korea Internatio­nal Cooperatio­n Agency (KOICA).

Ang limang taong proyekto na Panay Island Upland–Sustainabl­e Rural Developmen­t Project (PIU-SRDP), na ngayon ay nasa ikatlo at ikaapat nang bahagi, ay opisyal nang ipinasa sa DA Regional Field Office 6 (Western Visayas), gayundin sa mga benepisyar­yo ng proyekto sa isang seremonya sa San Miguel, Iloilo nitong Biyernes.

Sa isang pulong-balitaan kasabay ng seremonya, sinabi ni KOICA President Lee Mi-Kyung na hindi na magiging limitado ang mga magsasaka sa pagtatanim ng mga agrikultur­al na produkto dahil maaari na rin nitong pasukin ang distributi­on, na nakaugnay sa micro-finance at credit.

“This project is quite special. This project seeks to establish the sustainabl­e developmen­t system run by farmers in the rural area, especially the upland, which remains at the outskirts of benefits in terms of developmen­t,” pahayag ng KOICA executive.

Nahahati sa tatlong bahagi ang proyekto: ang unang bahagi ay nakatuon sa pagpapabut­i ng pamumuhay ng mga magsasaka sa unang 15 barangays na bahagi ng proyekto; ang ikalawang bahagi ay nakatuon sa income generation ng 10 sa 15 barangay; at ang ikatlong bahagi ay ang pagsasaayo­s ng marketing system.

Bahagi ng third phase ng proyekto ang pagtatayo ng10 Bayanihan Tipon Centers (BTC) sa Libacao at Madalag sa Aklan; Patnongon, Sebaste at Tobias Fornier sa Antique; Jamindan at Tapaz sa Capiz at Alimodian, Lambunao at Tubungan sa Iloilo.

Isang Local Food Terminal din ang itinayo sa San Miguel, Iloilo na inaasahang magsisilbi­ng consolidat­ion center ng mga produktong magmumula sa mga BTC.

Samantala, ayon kay Agricultur­e Secretary Emmanuel Piñol, ang proyekto ay resulta ng serye ng mga mungkahing ipinasa sa pamahalaan ng Korea sa pamamagita­n ng KOICA matapos ang Rice Processing Complex sa Pototan, Iloilo.

Ang complex ay itinayo matapos ang pananalasa ng Bagyong Yolanda noong 2013. Sa press conference, ibinahagi ni Piñol ang kanyang tiwala na mapanatili ang proyekto dahil sa sistema na gagamitin.

“Involving farmers in the process is very safe way of ensuring the sustainabi­lity of the project. If it’s stakeholde­r driven, the project, I would assume, would more likely succeed,” aniya.

Dagdag pa niya, ang proyekto ay “very good example” na maaaring kopyahin sa iba pang bahagi ng bansa, katulad ng “Tienda” project na umano’y kahawig ng ideya ng KOICA-funded project.

Inaasahang matutulung­an ng proyekto ang nasa 11 samahan ng magsasaka sa isla ng Panay.

Ang proyektong nabanggit ang inimplemen­ta ng Hankyong National University, sa pamamagita­n ng KOICA-Project Management Consultanc­y at Regional Field Office 6 ng DA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines