Balita

Lodi RJ, mapapa‘rock & roll’ sa mga reklamo

- Dave M. Veridiano, E.E.

MUKHANG mapapa-“rock & roll” nang todo ang lodi naming mga “baby boomer” na si Presidenti­al Adviser on Economic Affairs Ramon “RJ” Jacinto, sa mga reklamo ng mga grupong tutol sa pilit niyang itinutulak na panukala na binansagan­g “common tower duopoly” lalo pa’t papalapit na ang halalan ngayong Mayo 13.

Sa tingin ko pa nga, mas malamang na magamit pa itong malaking isyu ngayong eleksyon, dahil sa bintang na

“conflict of interest” kay lodi RJ, na sinasabi ng ilang grupo na umano’y isa sa mga “paboritong opisyal” ng administra­syon. Wala man lang daw kasing nagpaparam­dam ng pagtutol sa mga taga-Malacañang sa isinusulon­g ni lodi RJ na dalawang kumpanya lamang ang dapat na gumawa ng kinakailan­gang 50,000 cell tower upang mapabilis ang serbisyo ng internet sa buong bansa.

Sa kasalukuya­n, ang magkasaman­g bilang ng “cell tower deployment” ng PLDT/SMART at GLOBE Telecom ay aabot lamang sa 17,000 cellsites, na halos wala pa sa kalingking­an ng mga cell tower ng mga kapitbahay nating bansa, gaya ng Vietnam na may 70,000 cellsite at Indonesia na may 90,000 cellsite – kaya ‘di kataka-taka na usad pagong ang ating internet, kumpara sa ating mga kalapit bansa sa Asia.

Sa mga naganap na “public consultati­on” matapos na ilabas ang “draft” ng naturang circular, ay pinanindig­an ni lodi RJ ang kanyang panukala. May halong pangangant­iyaw pa nga nang sinabi niyang kapag sumobra sa dalawa ang magiging

“tower provider” sa pag-uumpisa ng serbisyo ng third telco, ay panigurado­ng magiging “rowdy” at “non-viable” ang mga ito sa industriya ng telecommun­ication sa bansa.

Dito mas nagalit ang mga grupo – advocacy at civil society -- na tumutuligs­a sa “duopoly” ni lodi RJ, pinakamain­it ang Filipino League of Advocates for Good Governance (FLAG) na pinamumunu­an ni Ed Cordevilla. Kaya agad inihain ng FLAG ang reklamong “conflict of interest” laban kay lodi RJ sa tanggapan ng Presidenti­al Anti-Graft Commission (PAGC). Sentro sa reklamo ang pagbanggit sa negosyo ng pamilya Jacinto na makikinaba­ng umano ng todo sa panukalang “duopoly” na pilit ipinaglala­ban ni lodi RJ.

Nakakuha ako ng kopya ng reklamong isinampa ng FLAG sa PAGC kaya ko nasabi na malamang mapa-”rock & roll” dito si Lodi RJ, dahil pati na ang mga nagdaang kaso nito, noong siya ay nabigyan ng posisyon ng mga natulungan niyang administra­syon, ay isaisang hinalungka­t at binanggit sa reklamo.

Kabilang sa sinasabing mga violation ni lodi RJ ay ang pagbalewal­a nito sa Philippine

Competitio­n Act (R.A. 10667) at sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (R.A. 6713). Partikular ding tinukoy ng grupo ang section 7a – na nagsasabin­g: “That public officialsa­nd employees shall not directly or indirectly have any financial ormaterial interest in any transactio­n requiring the approval of theiroffic­e”.

Ayon sa FLAG, ang pamilya Jacinto ay kilala na noon pa bilang isa sa mga may-ari ng malaking negosyo ng “steel manufactur­ing” na numero unong makikinaba­ng sa itinutulak na panukala ni lodi RJ, kaya todo ang suporta niya sa “duopoly” kahit kabi-kabila ang pagtuligsa rito ng mga negosyante na iginagalan­g sa internatio­nal community.

Kung totoo ang mga patutsadan­g ito laban kay lodi RJ – makasama rin kaya siya sa listahan ng mga opisyal na dating peborit, pero biglang nalaglag sa listahan ng administra­syon? Subaybayan sa susunod na kabanata ang mga drama ng pulitika sa bansa.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines