Balita

Alden, na-miss nina Regine at Jaya

- Alden at Regine Nora V. Calderon

MATAGAL na nagkasamas­ama sina Regine Velasquez, Jaya, at Alden Richards sa Sunday variety show ng GMA, tulad ng SOP at Party Pilipinas. Noong time na ‘yun, bago pa lang sa GMA si Alden, pero mahusay na talaga siyang sumayaw, kaya pasok na pasok siya sa mga dance numbers ng nabanggit na shows.

Una nang lumipat sa ABSCBN si Jaya, at last year lang, naging Kapamilya na rin si Regine. Ngayon, pareho na silang nasa ASAP Natin ‘To, na katapat naman ng Sunday PinaSaya ni Alden.

Kaya naman mistulang nagreunion ang tatlo nang magkitakit­a sila sa show to honor the teachers, ang yearly Gabay Guro, na ginanap sa Sta. Rosa Convention Center sa Sta. Rosa, Laguna.

Ever since kasing nagsimula ang Gabay Guro, laging nagiging

performer sina Alden, Jaya at Regine.

Dati ay isang malaking presentati­on ang Gabay Guro sa Mall of Asia Arena, pero this year, hinati-hati na nila ito by region.

Nag-post si Regine sa Instagram ng picture nila ni Alden.

“Guess who I saw, na-miss kita @ aldenricha­rds02,” caption niya.

Sinagot naman ito ni Alden: “Miss you too po, Ate.”

Post naman ni Jaya: “So good to see you again Alden, grabe! So happy for you’re doing so well @aldenricha­rds02 #gabayguro2­019”

Hindi naman malayong

muli silang magkita-kita dahil nga kumakanta na rin si Alden ngayon. In fact, sunud-sunod ang shows niya sa iba’t ibang lugar sa bansa. By May, ilang shows ang gagawin niya sa GMA Kapuso Pinoy TV abroad.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines