Balita

Janine, sa Amanpulo ang dream vacation

- Ni NORA V. CALDERON

PAREHONG busy sina Janine

Gutierrez at Rayver Cruz noong Valentine’s Day, kaya hindi sila nagkaroon ng chance na makapag-celebrate ng Heart’s

Day.

Si Rayver ay abala sa kanyang Afternoon Prime drama series na Asawa Ko, Karibal Ko, na nagtapos na last Saturday, March

2. Si Janine naman ay abala na sa paghahanda para sa bago niyang Afternoon Prime Fantasy-Drama na Dragon Lady, na papalit sa soap ni Rayver.

Sa media conference ng Dragon Lady—na mapapanood na simula ngayong Lunes—nasabi ni Janine na nitong Valentine’s Day ay sinamahan niya si Rayver na dumalaw sa grave ng mommy

Beth Cruz nito, sa Manila Memorial Park. Last February rin pumanaw ang ina ni Rayver.

Last Christmas, kasama si Rayver ng pamilya ni Janine na nagbakasyo­n sa Amerika. So, kung may chance silang makapagbak­asyon naman ni Rayver, saan ba gustong pumunta ni Janine?

“Sa Amanpulo, charot lang,” biro niyang sagot. “Gusto ko sanang doon ako mag-birthday

this year, sa October 30, na I will turn 30 years old na.” Nabanggit daw niya iyon kay Rayver, pero wala raw itong sagot sa kanya. Alam naman ni Janine na hindi biro ang magbakasyo­n sa Amanpulo. Kaya idinadaan na lang niya sa biro ang lahat, since matagal pa naman ang birthday niya. Mauuna si Rayver, na 30 years old na rin sa July 20, kaya puwedeng mag-ipon muna sila. At puwede na raw iyong maging belated Valentine’s Day at birthday celebratio­n nilang dalawa.

Gusto rin muna ni Rayver na magbakasyo­n ngayong tapos na nga ang kanyang soap. At si Janine, naipa-block na niya ang pagpunta niya sa New York sa May para mag-attend ng graduation ng friend niya na nag-aaral doon. Kung wala pang bagong soap na gagawin si Rayver, baka raw ang aktor ang makasama niya papuntang New York Puspusan na ang taping ni Janine ng Dragon Lady at kapana-panabik na ang world premiere nito ngayong Monday afternoon, pagkatapos ng Eat Bulaga. Mapapanood ito Mondays to Saturdays, sa GMA 7.

 ??  ?? Janine
Janine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines