Balita

Search para sa next queens, sinimulan na

- Ni ADOR V. SALUTA

NASA Bb. Pilipinas

Charities, Inc. (BPCI) pa rin ang Miss Universe Philippine­s.

Naka-post sa official website ng Bb. Pilipinas nitong nakaraang Biyernes ng gabi, ang kanilang announceme­nt para sa paghahanap ng mga bagong kandidatan­g pagpapasah­an ng anim na korona ng Bb. Pilipinas 2019 kabilang ang: Miss Universe Philippine­s, Binibining Pilipinas Internatio­nal, Binibining Pilipinas Interconti­nental, Binibining Pilipinas Supranatio­nal, Binibining Pilipinas Globe, at Binibining Pilipinas Grand Internatio­nal.

Ang gabi ng koronasyon ay sa Hunyo 2019. Sa mga gustong sumali, mada-download ang applicatio­n form sa official website ng timpalak www. bbpilipina­s.com. Ang deadline ng submission ay sa Marso 15.

Nasa BPCI pa rin ang local franchise ng Miss Grand Internatio­nal, kesehodang ang organizer at reigning queen nito ay nagpasarin­g sa ating 4th Miss Universe na si Catriona Gray.

Bahagyang na-late ang 56th search ng Binibini dahil sa mga isyung kinaharap nito. Marso 18 ang timpalak last year. Abril 30 noong 2017. Abril 17 noong 2016 at Marso 15 noong 2015. This year naman ay sa Hunyo ang grand coronation.

Katatapos lang ng 67th Miss Universe at 10th Miss Supranatio­nal last December, at ang 47th Miss Interconti­nental naman last January.

Sa Oktubre pa ang 59th Miss Internatio­nal at 7th Miss Grand Internatio­nal.

 ??  ?? Bb. Pilipinas 2018 queens
Bb. Pilipinas 2018 queens

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines