Balita

South, mas mabangis sa North

-

GINAPI ng South All-Stars ang North All-Stars, 109-84, nitong Linggo sa kauna-unahang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) All-Star Game sa MOA Arebna.

Hataw si Jeff Viernes sa naiskor na 19 puntos para pangunahan ang South All-Stars sa larong inabot ng buong magdamag. Nakatakda ang All-Star Weekend Sabado ng hapon, ngunit sa dami ng exhibition match, inabot ng madaling araw ng Linggo ang main game na natapos ganap na 1:17 ng umaga.

Sa kabila ng pagpupuyat, naiuwi ng South All-Stars ang premyong P500,000.

Tinanghal na MVP si Viernes, pambato ng Batangas City Athletics, umiskor ng 14 puntos sa mainit na ratsada ng South sa third period upang tuluyang iwan ang karibal sa double digits na bentahe.

Nag-ambag si Gab Banal ng Bacoor Strikers ng 11 puntos at 10 rebounds, habang tumipa sina Jaymo Eguilos ng Batangas City at Reed Juntilla ng Zamboanga ng tig-11 puntos.

Kumana naman ang actor na si Gerald Anderson ng Marikina ng siyam na puntos, tampok ang dalawang buzzer-beating threepoint­er.

Nanguna sa North sina Chris Bitoon ng Manila na may 11 puntos, Mike Ayonayon ng San Juan at Jay Collado ng Quezon City na may tig-10 puntos.

Iskor:

South (109) – Viernes 19, Banal 11, Eguilos 11, Juntilla 11, Yee 10, Anderson 9, Mabulac 8, Mangahas 7, Najorda 6, Cabahug 5, Tangkay 5, Balagtas 3, Masaglang 2, Melencio 2, Castro 0.

North (84) – Bitoon 11, Ayon Ayon 10, Collado 10, Ablaza 8, Rodriguez 8, Hubalde 7, Abrigo 6, Hernandez 6, David 5, Dionisio 4, Gomez 4, Belencion 3, Andaya 2, Taganas 0, Vosotros 0.

Quartersco­res: 21-21; 41-44; 79-64; 109-84.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines