Balita

Ateneo spikers, ratsada sa UE Warriors

- Marivic Awitan

NATAGPUANG muli ng Ateneo de Manila University ang kanilang winning ways matapos walisin ang University of the East, 25-22, 25-19, 25-11, kahapon sa men’s division ng UAAP Season 81 Volleyball Tournament sa Araneta Coliseum.

Pinangunah­an ni Tony Koyfman ang pagbangon mula sa natamong dalawang dikit na kabiguan sa itinalang 13 puntos.

Dahil sa panalo, umangat sila sa patas na may markang 2-2, kapantay ng University of Santo Tomas.

Dinomina ng Blue Eagles ang Red Warriors sa opensa, 40-25 sa hits, 9-2 sa blocks at 4-1 sa service aces.

Ang kabiguan ang ikatlong sunod ng Red Warriors matapos magwagi sa una nilang laban na nagtabla sa kanila sa De La Salle.

Pinangunah­an ni Noel Alba at Clifford Inoferio ang kanilang losing cause sa ipinoste nilang tig-6 puntos.

Sa isa pang laro, winalis ng defending champion National University ang dating kasalong Adamson, 25-20, 25-18, 25-16

upang masolo ang ikalawang posisyon.

Humataw ng 19 hits at 5 blocks si Bryan Bagunas upang pamunuan ang nasabing panalo na nag-angat sa kanila sa marlang 4-1, panalotalo kasunod ng di pa natatalong Far Eastern University (4-0).

Sanhi ng kabiguan, bumagsak ang Falcons sa barahang 3-2.

Nalimitaha­n ng maigting na depensa ng Bulldogs ang mga top hitters ng Falcons na sina Paolo Pablico at Leo Miranda sa pinagsaman­g 12 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines