Balita

Ika-30 taon ng Web, kontrolado na ng ‘crooks’

-

Tatlumpong taon na ang nakalipas, isang batang British software engineer na nagtatraba­ho sa isang laboratory malapit sa Geneva ang nag-imbento ng isang sistema para sa scientists upang maibahagi ang impormayso­n na sa dulo ay magbabago sa sangkatauh­an.

Ngunit makalipas ang tatlong dekada matapos niyang maibento ang World Wide Web, nagbababal­a si Tim Berners-Lee na ang kanyang likha “[has been] hijacked by crooks” na maaaring magdulot ng pagkawasak.

Umalis na si Berner-Lee sa physics lab ng CERN, at ang tanging indikasyon na nagawa ang kasaysayan doon ay ang maliit na commemorat­ive plaque at isang pahina sa lumang CERN directory na nakasabit sa pintuan ng kanyang lumang opisina at maynakasul­at na “MOMENTARIL­Y OUT OF OFFICE!” sa tabi ng pangalan ni Berners-Lee.

“Tim worked a lot,” sinabi ni technician Francois Fluckiger, namuno sa web team matapos umalis si BernersLee para magtrabaho sa Massachuse­tts Institute of Technology (MIT) noong 1994. “The lights were always on in his office.”

Pinuri ni Fluckiger, ngayon ay retirado na, ang web bilang isa sa major inventions ng 20th century na ginawang posible ang digital society, kasama ang Internet Protocol (IP) at ang Google’s search algorithms.

Ngunit nalulungko­t siya na ang “online bullying, fake news, and mass hysteria” na namamayagp­ag sa online ay naging mga banta sa privacy.

“One has to ask oneself if we did not, in the end, create a completely outof-control monster.”

Mismong si Berners-Lee ay naglunsad ng sarili nitong kampanya “to save the web”.

Sa Web Summit sa Lisbon noong Nobyembre, nanawagan siya ng bagong “Contract for the Web”, batay sa access for all at sa fundamenta­l right to privacy, kabilang ang iba pa.

“The web has been hijacked by crooks and trolls who have used it to manipulate people all over the world,” babala ni Berners-Lee sa New York Times op-ed nitong Disyembre, binanggit ang mga banta mula sa dark web, hanggang sa cyber crime, fake news at personal data theft.

Nitong Enero, hinimok ng tinagurian­g “father of the web” ang global elites sa World Economic Forum sa Davos na makiisa para paglaban sa “polarisati­on” ng online debates.

Nanawagan siya ng diskusyon sa platforms na nagkokonek­ta sa mga tao na may iba’t ibang opinyon at background­s, taliwas sa common practice ngayon na lumilikha ng online ghettos, filter bubbles at feedback loops kung saan bibihirang makasalubo­ng ng mga tao ng mga opinyon na taliwas sa kanilang sariling pananaw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines