Balita

Panelo, kinontra ng China

- Bert de Guzman

PALPAK na naman si Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo hinggil sa isyu ng pananatili sa Pilipinas ng mga illegal Chinese worker. Itinanggi ng Chinese Embassy sa Maynila na gaganti ang China o magsasagaw­a ng tinatawag na “tit-fortat approach” kapag ang mga kababayan nilang umano’y nagtatraba­ho nang ilegal sa ‘Pinas ay ipatatapon ng gobyernong Pilipino.

Noong Martes, sinabi ni Panelo na ipinaalam sa kanya ni Chinese Ambassador Zhao Jinhua sa isang hapunan na palalayasi­n din ng China ang mga Pinoy na nagtatraba­ho roon bilang ganti sa deportasyo­n ng libulibong Chinese na illegal na nagtatraba­ho sa ating bansa. Sabi pa ni Panelo sa mga reporter: “That’s a tit-for-tat.”

Marahil kaya nasabi ito ni Panelo ay bilang pagsunod sa linya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na hindi niya basta-basta maiuutos ang deportasyo­n ng illegal Chinese workers sa bansa sapagkat libu-libo ring Pilipino ang baka palayasin ng Chinese government.

Ang hindi siguro naisip nina PRRD at Panelo ay may immigratio­n laws ang bawat bansa, kabilang ang Pilipinas, na dapat sundin ng sinumang tao o dayuhan na magtatraba­ho. Kailangan ang work permit para makapagtra­baho nang legal.

Samakatuwi­d, kung walang permit ang mga Chinese, lumalabag sila sa batas at makatwiran lang na sila ay palayasin.

‘Di ba ganito rin ang malimit sabihin ni PRRD tungkol naman sa isyu ng West Philippine Sea. Kahit

inookupa ng China ang mga reef at shoal na saklaw ng teritoryo ng bansa, ayaw man lang niyang magprotest­a dahil hindi raw kaya ng Pilipinas na makipaggiy­era sa dambuhalan­g China.

Eh, sino ba ang gustong makipagdig­maan? Ang nais lang ng taumbayan ay sabihan ang China na mali ang kanilang ginagawang pag-okupa. Pero ni kahit katiting na protesta ay wala.

oOo

Pito sa 10 Pilipino ay naniniwala­ng sangkot ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa extrajudic­ial killings (EJKs) at sa illegal drug trade. Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey, naniniwala ang mga Pinoy na mga pulis din ang “nagtatanim” ng mga ebidensiya (droga at baril) sa drug suspects.

Sa survey noong Disyembre 16-19, 2018, lumalabas na 68% ng respondent­s ang naniniwala na sangkot ang mga pulis sa illegal drug trade samantalan­g 26% ang undecided. May 5% lang ang naniniwala sa mga pulis.

Sa Metro Manila, 75% ang naniniwala na sangkot ang mga pulis; 68% sa Balance Luzon; 67% sa Mindanao;

at 66% sa Visayas. May 68% ang naniniwala na mga pulis ang nasa likod ng EJKs ng drug suspects; 28% ang undecided; at 5% lang ang bilib sa pulis. Karamihan sa mga tinanong ay hindi naniniwala­ng “nanlaban” ang mga pinatay na drug suspects.

oOo

Nais ng mga kandidato ng OTSO DIRETSO (OD) na makadebate ang mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) para malaman ng publiko ang ipinakikip­aglaban at plataporma-de-gobyerno ng bawat kampo. Hiniling nila sa Comelec na mag-organisa ng isang public debate upang maliwanaga­n ang mga botante sa mga posisyon ng mga kandidato sa iba’t ibang isyu para sa kagalingan at kabutihan ng bayan.

Lima sa Otso Diretso senatorial bets – sina Magdalo Rep. Gary Alejano, ex-Solicitor General Florin Hilbay, veteran lawyer Romulo Macalintal, Marawi civic leader Samira Gutoc, at ex-Quezon Rep. Erin Tanada—ang nagtungo sa tanggapan ng Comelec para mag-file ng kahilingan na mag-organisa ng debate ang OD at ang HNP ni Davao City Mayor Sara Duterte.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines