Balita

Aicelle, babu na sa ‘Miss Saigon’

- Ni NORA V. CALDERON Christophe­r Aichelle Piolo

MASAYA ang theater singer-actress na si Aicelle Santos dahil patapos na ang Miss Saigon Tours UK.

“And just like that we are down to our last day in Miss Saigon! What?!,” post ni Aicelle sa Instagram.

“Thanks for an awesome year, Gigi! I believe I am braver because of you! You allowed me to dance crazy like no one’s watching and be as creative and entertaini­ng as I can (at least to myself),

8 shows a week! Thanks for a grand holiday to places I never knew I’d see in this lifetime. You gave me peace and learning in solitude. I made new friends and discovered diverse cultures.

“You are worth every note sung, every tear shed and body pains endured. And for this precious experience I praise and give back all the glory to our Father God. Maraming salamat!

“Now have the best last 2 shows! Let’s go team! @misssaigon­onuk.”

Umani ng papuri si Aicelle mula sa mga kasamahan niya sa showbiz dito at sa mga Pinoy na nagkapalad na mapanood siya sa mga lugar na naging bahagi ng tour. Iisa ang sinasabi nila, si Aicelle ang pinakamahu­say na gumanap bilang si Gigi sa Miss Saigon.

Tiyak na natuwa pa si Aicelle kahit natapos na ang Miss Saigon, dahil bago siya umalis sa Pilipinas last year ay may iniwan niyang pangako. Pagbalik niya ay magpapakas­al na sila ng mahal niyang fiancé ang dating broadcaste­r na si Marc Zambrano.

Matatandaa­ng bago umalis si Aicelle papuntang UK ay nag-propose na sa kanya si Marc. Nangako naman ang singer-theater actress na sa kanyang pagbabalik sa bansa pagkatapos ng Miss Saigon ay ang pagpapakas­al nila ni Marc ang una niyang haharapin.

Ilang beses din naman siyang dinalaw ni Marc kung saan siya nagpe-perform ng Miss Saigon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines