Balita

‘I hope matanggap nila na bading ako’

- Ador V. Saluta

DAHIL sa pangambang kuwestyuni­n ang kanyang gender paglabas sa Bahay ni

Kuya, umamin na si

Lyndon Oros sa tunay niyang pagkatao. Ito ay upang tuldukan na raw ang kanyang “pagpapangg­ap” kahit pa natatakot siya sa magiging panghuhusg­a ng ibang tao.

Si Lyndon, 24 ay isang licensed teacher sa isang private school. Kabilang siya sa Star Dreamers ng Camp Star Hunt, kung saan nanggagali­ng ang pinipiling housemates para sa Pinoy Big Brother Otso.

Ayon sa kuwento, nagkakasiy­ahan ang Star Dreamers sa kanilang beach-themed party nang biglang natahimik si Lyndon.

“Iniisip ko paano kaya ako maka-segue tungkol sa pagkataong meron ako? Gusto ko lang talagang bumuwelo. Gusto ko na magopen sa kanila kasi nahihirapa­n ako.

“Ang bigat sa akin na ganito ‘yung ginagawa ko, na nagsisinun­galing ako sa sarili ko, sa kanila. Lahat.”

“Ako po ay bading,” matapang na pag-amin ni Lyndon.

Gayunman, ‘tila may ideya na rin naman ang ibang kasamahan ni Lyndontung­kolsakanya­ngsaloobin. Ilan sa kanila ang humikayat sa binata na magkuwento tungkol sa tunay niyang pagkatao.

“Ang totoo po talaga, 25 percent pa lang ng personalit­y ko ‘yung ipinapakit­a ko. Sobrang punumpuno pa ako ng fear para magsabi ng lahat ng bagay. Kasi ‘di ko mailabas sa kasinungal­ingan, sa personalit­y na ipinapakit­a ko na hindi naman ito.”

Napainom pa ng tubig si Lyndon, na halatang kabado sa ginagawang pagtatapat.

Ipinaliwan­ag niya na nang sumalang pa lang siya sa task nila sa show ay tatanungin siya dapat kung may chance na maging bading siya. Pero itinago raw niya ang hawak na index card ng kanyang kapwaStar Dreamer upang makaiwas sa tanong na iyon.

Aminado si Lyndon na “kabadung-kabado” siya sa magiging reaksiyon ng kanyang mga kasamahan. Pero taliwas sa kanyang inaasahan ang naging reaksiyon ng Star Dreamers; lahat ng kasamahan niya ay ikinatuwa ang pag-amin niya.

Siniguro pa ng mga kasamahan niyang lalaki na walang dahilan para matakot o mailang si Lyndon, dahil may mga kaibigan din daw ang mga ito na bading tulad niya.

Kuwento naman ni Lyndon, kahitsakan­yangpinagt­atrabahuha­ng private school ay hindi niya maipakita na bading siya, sa takot na baka mahusgahan siya dahil dito.

“Sa work ko talaga tinanong na ako, pero tinanggi ko ‘yun. Kasi baka ‘pag sinabi ko ‘yun, baka mailang sila,” sabi ni Lyndon.

Pagkagalin­g sa trabaho ay diretso raw siya ng uwi sa bahay nila sa Quezon City at hindi masyadong nakikisala­muha sa mga kaibigan niya.

“Kasi nahihiya ako talaga na ipakita ito. Kasi hanggang ngayon nakakarana­s ako ng panlalait sa lugar pa mismo namin.

“Pero I hope ito ‘yung pagkakatao­n na makapag-sorry sa kanila sa pagpapangg­ap ko. And I hope ‘yung mga katrabaho ko, ‘yung mga estudyante ko, matanggap din nila siyempre ‘yung ganito,” pagtatapos ni Lyndon.

 ??  ?? Lyndon
Lyndon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines