Balita

‘Erase Your Ex’, alok ng online service

-

Moving on mula sa iyong bigong pag-ibig? Nais makalimuta­n si ex pero ‘di mai-delete ang mga travel photos n’yong magkasama? Baka matulungan kayo ng bagong online service, ang Edit My Ex.

Sa ulat ng Oddity Central, tulad sa pangalan, maaaring i-edit sa Edit My Ex, ng mga taong nais mabura ang anumang alaala ng kanilang ex sa mga meaningful digital photos. Kailangan lamang i-upload ang photo sa kanilang website at sabihin sa editing expert ang nais mong burahin sa larawan.

Nagkakahal­aga ang service ng £8.99 o mahigit P600. At makalipas ng 48 na oras, makukuha mo na ang iyong photo, na “ex-free.”

Ayon kay Mark Rofe, creator ng Edit My Ex, naisip niya ang ideya para sa online service matapos niyang i-edit ang ex-partner ng kanyang kaibigan na nakipaghiw­alay at ibigay itong regalo. Naiyak, aniya, sa katatawa ang kanyang kaibigan at dito umano niya nakita ang “powerful the effect of removing someone’s ex from a photo.” Kaya naman nagdesisyo­n siya na ibahagi ang serbisyo sa iba pang tao.

“After presenting my friend with an ex-less image as a gift, I saw just how powerful the effect of removing an ex-partner from a favorite digital photograph could be,” pagbabahag­i ni Rofe.

“As someone with a background in design, I thought that I could put my skills to good use to make someone going through a break-up smile, and with my team of designers, we can’t wait to start helping others regain their favorite photos without any unwelcome additions.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines