Balita

Ang Ospital, horror video game na proudly Pinoy!

- Ni ANGELLI CATAN

Mahilig ka ba sa mga nakakatako­t na video games? Kung oo, siguradong magiging interesado ka sa bagong video game ngayon na likha ng mga estudyante ng University of Caloocan—“Ang Ospital”.

Thesis project lang ang “Ang Ospital”, na hinalaw sa isang totoong mental hospital sa Baguio City, ang Bridgeroug­h National Institute for Mental Health noong 1920. Isinara ang pagamutan noong 1979 matapos mapabalita ang umano’y pananakit at pagpapabay­a ng mga tauhan ng ospital sa mga pasyente nito.

Sa “Ang Ospital”, na tinatawag na survival horror game, hindi puwedeng saktan o patayin ng player ang kanyang mga kalaban, kailangan lang niyang makaiwas sa mga ito, magtago o tumakbo, at mahalagang manatili siyang buhay habang naglilibot sa buong ospital.

Maraming makakahara­p na kalaban, o “boss” kung tawagin, na may kani-kanyang back story.

Pero hindi na bago ang ganitong klase ng video game. Sa katunayan, naikukumpa­ra ang “Ang Ospital” sa “Outlast”, kung saan kinakailan­gang maka-survive ng isang journalist habang iniikot ang isang abandonado­ng ospital.

Kahit hindi na bago ang ganitong klase ng laro, wala tayong dahilan para hindi ito subukan, lalo na’t gawang Pinoy ito, batay sa isang pasilidad sa ating bansa, at likha ng mga estudyante na tiyak na naipasa ang kanilang thesis.

Tinatalaka­y din ng video game ang kasaysayan ng orihinal na ospital, at iba pang paksang kaugnay nito, tulad ng mental health at illness, child abuse, medical malpractic­e, at iba pa.

Ang “Ang Ospital”, na nasa ilalim ng Underdog Games, ay inilabas pa lang para sa isang beta test, pero hindi pa available sa publiko.

Bagamat nasa stage pa rin ito ng pag-aaral, inaabangan na ang tuluyang pagre-release ng “Ang Ospital” ngayong 2019.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines