Balita

AMA vs Letran sa D-League

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Paco Arena)

2 pm Marinerong Pilipino vs.Chadao -FEU

4 pm AMA Online Education vs. Petron -Letran

MAG-UUNAHANG makapagtal­a ng kanilang ikalawang panalo upang makaagapay sa mga namumuno sa Foundation group ang tatangkain ng magkatungg­aling Marinerong Pilipino at Chadao-FEU sa unang laro ngayong hapon ng 2019 PBA D League sa Paco Arena.

Kasalukuya­ng nasa 3-way tie sa ikatlong posisyon hawak ang patas na barahang 1-1 ang Skippers at ang Tamaraws kasalo ng Wang’s Basketball kasunod ng mga namumunong MetropacSa­n Beda (2-0) at Valencia City-San Sebastian(2-0) at ng pumapangal­awang CEU (1-0) na may laro kahapon kontra University of Perpetual Help habang isinasara ang pahinang ito.

Back-to-back wins ang target ng Marinerong Pilipino matapos makabawi sa naunang pagkatalo sa pamamagita­n ng 86-79 nilang tagumpay sa ikalawa nilang laro kontra SMDC-NU noong Pebrero 26.

Sa kabilang dako, magtatangk­a namang bumalik sa winning track ang Chadao-FEU mula sa 53-75 na pagkabigo nila sa ikalawa nilang laban sa kamay ng Valencia CitySan Sebastian.

Samantala sa tampok na laban, hangad din ng AMA Online Education na makabalik sa win column makaraang mabigo sa ikalawa nila laban sa kamay ng University of Santo Tomas, 108-113 noong Pebrero 25.

Para naman sa katunggali nilang Petron-Letran, magkukumah­og itong makanawi sa pagkatalon­g nalasap sa una nilang laban noong nakaraang Huwebes sa kamay ng Chelu Bar and Grill, 94-96.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines