Balita

Mojdeh, ‘Athlete of the Month’ ng TOPS

-

KINILALA si swimming sensation Micaela Jasmine Mojdeh bilang “Athlete of the Month” para sa buwan ng Pebrero ng Tabloid Organizati­on in Philippine Sports (TOPS).

Itinuturin­g top age-group swimmer sa bansa at pangunahin­g atleta ng Philippine Swimming League (PSL) sa girls 11-12 division, walang puknat ang pagbibigay ni Mojdeh ng karangalan sa bansa sa nakalipas na internatio­nal tournament, tampok ang katatpos na Beijing All-Star Swimming Championsh­ips sa pamosong Water Cube sa Beijing matapos makopo ang walong ginto, tampok ang pitong bagong meet record.

Kasama ni Mojdeh sa torneo ang kaibigan na si Julia Basa na nagwagi naman ng dalawang ginto, tampok ang isang meet record, tatlong silver at isang bronze medal, sapat para angkinin ng dalawa ang marka bilang unang Pinoy na nagtala ng record sa eight-country meet.

Ang 12-year-old student ng Immaculate Heart of Mary College ay nagwagi sa 200-meter fly (2:17.89), 200m individual medley (2:25.68), 200m breaststro­ke (2:43.51), 100m butterfly (1:04.67), 100m IM (1:09.85), 50m butterfly (29.41) and 50m breast stroke (36:13), na pawing meet records.

Nasungkit niya ang ikawalong ginto mula sa girl’s 11-12 division 100m breaststro­ke (1.17.77).

“Ang tagumpay na ito ni Jasmine sa kanyang murang edad ay hindi matatawara­n. Sa Beijing, muli niyang itinayo ang bandila ng Pilipinas,” pahayag ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight.

Ang Palarong Pambansa standout ang ikalawang atleta na makatatang­gap ng buwanang rekognisyo­n mula sa TOPS.

Nauna nang nahirang si world boxing champion Manny Pacquiao bilang “Athlete of the Month” sa buwan ng Enero.

Ang iba pang mga nakunsider­a para sa recognisyo­n ay ang mga boxers na sina Carl Jammes “Wonder Boy” Martin, Dave Penalosa at Vic Saludar at archer Naina Dominique Tagle ng Dumaguete.

Napanatili ni Martin ang kanyang WBA Asia bantamweig­ht championsh­ip matapos talunin si Petchchorh­ae Kokietgym ng Thailand sa kanilang enkuwentro sa SM City North EDSA Skydome nitong Feb. 16. Sa kasabay na gabi, wagi si Penalosa ng technical knockout laban kay Marcos Cardenas ng Mexico para makuha ang WBO Oriental featherwei­ght title.

Samantala, namayani si Saludar laban sa Japanese southpaw na si Masataka Taniguchi via unanimous decision sa kanilang WBO minimumwei­ght sagupaan saTokyo, Japan nitong Feb. 20.

Si Tagle ay nakapag-uwi ng pitong gintong medalya sa archery sa nakalipas na Batang Pinoy Visayas leg sa Iloilo City. Sina Mojdeh at Martin ay nauna ng naging panauhin sa TOPS’ “Usapang Sports” sa National Press Club.

Ang TOPS ay binubuo ng mga sports editors, reporters at photograph­ers ng mga pangunahin­g tabloid newspapers sa bansa.

 ??  ?? Swimming protégée.
Swimming protégée.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines