Balita

KASUHAN BAGO PANGALANAN

Paano kung may kandidato sa narco-list?

- Ni MARY ANN SANTIAGO May ulat nina Vanne Elaine Terrazola at Argyll Cyrus Geducos

Tinawag na “unfair” ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ang plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) na isapubliko ang hawak ng mga itong “narco-list” bago ang eleksiyon sa Mayo 13.

Ayon kay Comelec Commission­er Rowena Guanzon, maituturin­g itong negative campaignin­g sa mga kandidato, lalo na kung wala pa namang kasong isinasampa laban sa mga ito.

Pinayuhan pa ni Guanzon ang DILG at PDEA na kasuhna muna ang mga pulitiko na hinihinala­ng sangkot sa illegal drug trade sa bansa, bago isapubliko ang naturang listahan.

“Negative campaignin­g ‘yang ginagawa nila kapag nilagay nila sa listahan yan. ‘Huwag n’yong iboto ‘tong mga taong ‘to, kasi mga drug pusher ito’. Eh ‘di negative campaignin­g ‘yan. Unfair naman ‘yun,” sinabi ni Guanzon sa isang panayam sa radyo.

“Kung ilabas n’yo sana ‘yan (narcolist), dapat kinasuhan n’yo. Puwedeng ilagay n’yo, ‘ito may mga kaso na laban sa mga taong ito for violating Dangerous Drugs Act. Puwede,” dagdag pa ni Guanzon.

Una nang sinabi ni Comelec Spokespers­on James Jimenez na walang batas na nagbabawal sa negatibong pangangamp­anya.

Pabor naman ang re-electionis­t na si Senator Sonny Angara sa pagsasapub­liko ng narco-list bago ang halalan, basta tiyaking naberipika muna itong mabuti at hindi ito magagamit sa pulitika.

“Puwede naman release ‘yun basta hindi magagamit ‘yung listahan sa politics. Kasi minsan napansin natin dati, ‘yung mga listahan mayroong mga pangalan na ‘di naman talaga nandun. So mag-ingat din sa pagrelease,” sinabi ni Angara nang kapanayami­n ng BALITA kahapon, kasunod ng pag-endorso sa kanya ng Filipinos for Peace, Justice and Progress Movement (FPJPM).

Para naman kay Sen. Koko Pimentel, kahit pa nasa narco-list ang sinumang kandidato, hindi naman ito mapipigila­n sa paghahanga­d ng boto para sa inaasintan­g posisyon.

“Comelec cannot prevent those on the narco-list from running in the May 2019 elections because ‘being on a list, even a narco list’ is not a recognized legal ground for disqualify­ing candidates since they are all presumed innocent until proven guilty,” saad sa text message ni Pimentel sa mga mamamahaya­g.

“It is government’s duty now to file charges against them using the evidence which made them land in the said list,” aniya pa.

Sinegundah­an naman ni Sen. Sherwin Gatchalian ang nasabing panukala nina Comelec Commission­er Guanzon at Pimentel na kasuhan na lang ang mga pinaniniwa­laang narcopolit­icians upang maiwasang maihalal ito ng mga botante.

Gayunman, sinabi ng Malacañang na ang publiko pa rin ang malayang pipili ng iboboto nila sa Mayo 13, kahit pa ituloy ng DILG at PDEA ang pagsasapub­liko sa narco-list.

“Ang taumbayan pa rin ang namimili whether criminal ang binobotoha­n nila, sila pa rin ang namimili niyan,” sinabi kahapon ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo.

 ?? MARK BALMORES ?? DELIKADONG LA MESA Halos nasa critical level na 69 meters na ang tubig sa La Mesa Dam, na nasa 69.89 meters na lang kahapon, mula sa standard operating level nitong 78-80 meters, ayon sa PAGASA. Ang kasalukuya­ng water level sa dam, na nagsu-supply sa malaking bahagi ng Metro Manila, ang pinakamaba­ba sa nakalipas na mahigit isang dekada.
MARK BALMORES DELIKADONG LA MESA Halos nasa critical level na 69 meters na ang tubig sa La Mesa Dam, na nasa 69.89 meters na lang kahapon, mula sa standard operating level nitong 78-80 meters, ayon sa PAGASA. Ang kasalukuya­ng water level sa dam, na nagsu-supply sa malaking bahagi ng Metro Manila, ang pinakamaba­ba sa nakalipas na mahigit isang dekada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines