Balita

Arjo, nabunutan ng tinik sa pagamin ni Maine

- Ni REGGEE BONOAN

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BALITA kahapon tungkol kina Arjo Atayde at Maine Mendoza, makaraang umamin na ang huli sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Nabanggit din naming nagpunta ng Taiwan ang dalawa para sa selebrasyo­n ng kanyang 24th birthday, bukod pa sa surprised asalto nitong cruising Manila Bay, kung saan umarkila ng yate ang aktor.

At ‘tila nabunutan na ng tinik si Arjo dahil malaya na siyang nakakapag-post ng litrato nila ni Maine sa Instagram.

Ipinost ni Arjo ang litratong magkayakap sila ni Maine, na kuha ng kilalang photograph­er na si Mark Nicdao. Ang caption: “My reason for being. Happy birthday to my main (heart emoji).”

Pero marami pa rin ang hindi naniwalang legit ang litratong ito kaya mismong ang photograph­er na si Mark na ang nag-post sa kanyang IG.

Umabot na sa 282 ang likes at 14.4k naman ang mga positibong komento mula sa mga supporter, kaibigan at mga kapwa artista nilang dalawa na binabati sila ng ‘congratula­tions, sweet, happy for you, two at iba pa.’

Iisa lang ang ibig sabihin, maraming boto sa relasyong ArMaine. Kaya sa mga basher ng dalawa, panoorin n’yo na lang kung gaano kasaya ang mga idolo ninyo at irespeto n’yo.

Samantala, isa raw sa dahilan kung bakit nagpunta ng Taiwan ang dalawa ay para tuparin ni Arjo ang isa sa nasa bucket list ng kanyang lady love, ang Sky Lantern sa Shifen Old Street Walk, kung saan isusulat nila ang kanilang mga wish.

Mukhang “sineryoso” naman ng lahat ang sinasabing winarninga­n ng magulang ni Maine si Arjo na kapag niloko ang anak nila ay papatayin nila ang aktor.

“It was a joke, after that nagtawanan lahat. Ang bilin ng daddy ni Maine kay Arjo, ‘don’t hurt her’,” sabi ng aming source

Marami ang bumilib kay Arjo sa katatagan niya dahil hindi siya nagpagapi sa bashers, at lahat ng taong ayaw sa kanya ay hinarap niya, kaya naman in return, ‘yung ibang hindi boto sa kanya ay nagustuhan siya dahil namumukod tanging ang aktor lang ang nandigan kay Maine.

Anyway, iisa naman ang tanong sa amin ng mga sumusubayb­ay sa love story nina Arjo at Maine, kailan naman daw ipakikilal­a ng binata ang dalaga sa pamilya niya?

As of this writing ay wala pa kaming balita kung dumating na sa bansa ang ArMaine.

 ??  ??
 ??  ?? Maine at Arjo
Maine at Arjo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines