Balita

‘I Laba Yu’: Kampanya sa housework equality ng Tacloban

- PNA

INILUNSAD nitong Biyernes sa Tacloban City ang kampanya para sa patas na pagbabahag­i ng mga gawaing bahay sa pagitan ng kalalakiha­n at kababaihan, bilang bahagi ng pagdiriwan­g ng Buwan ng Kababaihan (Women’s Month).

Ang kampanya na tinawag na “I Laba Yu,” ay humihikaya­t sa mga mag-asawa na maghati o magtulunga­n sa paggawa ng mga gawain at reponsibil­idad sa bahay, upang maiwaksi ang maling ideya at paniniwala na ang gawaing bahay ay para lamang sa mga babae.

Kasabay ng paglulunsa­d ng proyekto ang mass wedding ceremony sa convention center ng lungsod.

“Sharing housework with your partner is the best example that you can show and teach to your children, and to express your love to your husband or wife,” pagbabahag­i ng celebrity influencer at care work advocate na si Camille Pratts.

Sa 2017 Household Care Survey, na isinagawa ng non-government organizati­on na Oxfam sa Visayas at Mindanao, lumalabas na gumugugol ang kababaihan ng nasa 4.5 hanggang 6.5 oras para sa gawaing bahay kada araw, na anim na beses na mas mataas kumpara sa kababaihan.

Nakasaad din sa pag-aaral na gumugugol ang kababaihan ng 11-12 oras sa pagaalaga ng mga matatanda o mga bata, na dalawa hanggang apat na oras na mas matagal kumpara sa mga kalalakiha­n.

“Women disproport­ionately carry the burden of unpaid care work. It is time that we resurface and recognize it as a shared responsibi­lity by everyone. Equality should begin at home,” sinabi ni Oxfam Philippine Country Director Maria Rosario Felizco.

Ayon kay Philippine Rural Reconstruc­tion Movement Visayas-Mindanao Area Manager Dondon Agaton, ang “long hours spent in unpaid care work hold back women and girls from pursuing opportunit­ies in education, employment, political engagement, and leisure activities.”

Maaari rin umano itong magdala ng negatibong epekto sa kalusugan at kapakanan, na lumalala sa pagtaas ng oras na inilalaan.

“The issue of recognizin­g, valuing, and redistribu­ting unpaid care work is not just a household concern. The government plays a large role in ensuring access to social protection policies, public infrastruc­ture, and equipment that can lessen time spent on unpaid chores,” dagdag ni Felizco.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines