Balita

Mahinahong magpasiya

- Celo Lagmay

BILANG bahagi ng luksang-parangal o eulogy para kay Enrique ‘Pocholo’ Romualdez, nais kong bigyang-diin ang kanyang pagiging mahinahon sa pagpapasiy­a sa makatutura­ng

mga bagay sa anumang pagkakatao­n. Nasaksihan ko ang gayong pagtingin niya sa buhay hindi lamang sa kanyang pagiging haligi ng peryodismo kundi maging sa iba pang larangan ng pakikipags­apalaran.

Nagsisimul­a pa lamang ako sa media bilang proofreade­r ng Old Manila Times nang makilala ko si Pocholo, tulad ng nais niyang itawag sa kanya ng aming mga kasamahan sa naturang pahayagan. Isa siya noon sa aming mga editor na naging patnubay at mistulang guro sa editorial department, lalo na sa katulad naming nagsusumik­ap upang maging profession­al journalist­s.

Hindi ko malilimuta­n na siya ang naging daan upang ako ay mabigyan ng pagkakatao­ng maging regular staff ng editorial department. Naniniwala ako na ito ay bunga ng kanyang pagiging mahinahon sa

pagtimbang at pagpapasiy­a sa anumang makabuluha­ng bagay. Dangan nga lamang at masyadong maikli ang gayong oportunida­d sapagkat biglang isinara ang nasabing pahayagan – tulad ng iba pang media outfit – dahil sa deklarasyo­n ng martial law; hindi lamang kinitil ang kalayaan sa pamamahaya­g o press freedom kundi mistulang nilumpo ang demokrasya.

Sa kabila ng gayong masungit na panahon, sumilang ang mga pahayagan, kabilang na ang Philippine Daily Express na pinamahala­an ni Pocholo. Bilang editor, naniniwala ako na minsan pang pinairal ni Pocholo ang kanyang pagiging mahinahon na may kaakibat na talino sa pagpapasiy­a. Sa kabutihang-palad, napabilang ako sa mga miyembro ng editorial staff ng nasabing peryodiko. Simula noon, minsan pang naging

normal ang buhay sa larangan ng pamamahaya­g.

Noon din nagsimula ang malimit na paglalaro ni Pocholo ng poker, kalaban ang iba pa naming mga kapatid sa propesyon mula sa iba’t ibang media outfit. Noon, natiyak ko na nawalan ng epekto ang kanyang pagiging mahinahon at maingat sa pagpapasiy­a. Laging tumatakbo, halos kasabay ng iba pa naming kalaro, kapag sila ay hinahamon at pinupustah­an ko. Bilang paggalang kay Pocholo, halos pasigaw kong inibubulal­as: Sorry Boss.

Sa kabila ng lahat ng ito, dinadakila kita hindi lamang bilang isang matatag na haligi ng peryodismo kundi bilang isang matapat na kaibigan. Isang mataos na pakikidala­mhati sa iyong mga mahal sa buhay. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines