Balita

Ex-wife na si Amber Heard, idinemanda ni Johnny Depp

-

FAIRFAX, Va. (AP) — Idinemanda ng aktor na si

Johnny Depp

ang kanyang dating asawa, ang Aquaman

actress na si

Amber Heard,

sa $50 million defamation lawsuit, kung saan nabanggit ang artikulo na isinulat ng aktres para sa The Washington Post na tumutukoy sa domestic abuse.

Sa reklamong isinampa ng aktor sa Circuit Court of Fairfax, Virginia, sinasabing bagamat hindi pinangalan na si Johnny ang tinutukoy sa artikulo, malinaw na siya ang tinutukoy ni Amber. Isinasaad din ng demanda ang alegasyon hinggil sa domestic abuse na “categorica­lly and demonstrab­ly false” umano.

“They were part of an elaborate hoax to generate positive publicity for Ms. Heard and advance her career,” saad sa reklamo at iginiit na “she is the perpetrato­r.”

Dumanas ng financial losses ang 55anyos na aktor dahil sa akusasyon, kabilang ang pagkawala ng kanyang role bilang Capt. Jack Sparrow sa Pirates of the Caribbean films, ayon pa sa reklamo.

Sa artikulo ng aktres na inilabas noong Disyembre, sinabi ni Heard na nawala ang kanyang acting role at kontrata sa isang major fashion brand dahil sa paglalanta­d niya ng pang-aabuso sa kanya.

“I spoke up against sexual violence — and faced our culture’s wrath,”pahayag ng 32-anyos na aktres, at sinabing pakiramdam niya ay “[she was] on trial in the court of public opinion.”

Hindi naman nagbigay ng komento ang abogado at publicist ng aktres nang hingan ng tugon nitong Sabado.

Sa isang pahayag sa People magazine, tinawag ng kanyang abogado, si Eric M. George, ang demanda na “frivolous” at “just the latest of Johnny Depp’s repeated efforts to silence Amber Heard.”

Tinugon naman ito ni Adam Waldman, abogado ni Johnny, at sinabing looking forward sila sa pagsusumit­e ng “overwhelmi­ng video, photograph­ic and eyewitness evidence” na maglilinis sa pangalan ng aktor.

Mayo 2016 nang unang akusahan ni Amber ng domestic violence ang Fantastic Beast actor, isang taon matapos silang ikasal. Matapos dalhin ni Amber sa korte ang kanyang mga larawan na may galos, iniutos ng hukom na layuan ni Johnny ang kanyang misis.

Nagkakilal­a sina Johnny at Amber sa set ng kanilang pelikula na The Rum Diary noong 2011 at ganap na nadiborsiy­o noong 2017.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines