Balita

Travis Scott, nag-delete ng IG

-

BINURA ni Travis Scott ang kanyang Instagram account matapos niyang itanggi ang mga balita ng cheating sa kanyang girlfriend na si Kylie Jenner, ulat ng Cover Media.

Nagdesisyo­ng maaalam muna sa social media site ang rapper, na may isang taong anak sa reality star, si Stormi, makaraang magsulputa­n ang mga balita ng kanyang “unfaithful­ness.”

Una rito, inihayag ng Astroworld rapper sa Twitter nitong nakaraang linggo na kinakansel­a niya ang nakatakda sana niyang gig sa Buffalo, New

York, dahil umano sa sakit at pinaalalah­anan ang kanyang mga fans na valid pa rin ang mga nabiling tickets sa reschedule­d date.

“Buffalo I’m so sorry I can’t perform tonight. I’m under the weather and it f**king sucks!”post ng rapper. “Can’t pull up without full rage. Show reschedule­d to March 10 all tix are valid. See u soon.”

Matapos ang tweet, iniulat ng TMZ na ang kanselasyo­n ng gig ay hindi dahil sa karamdaman, ngunit dahil kailangang manatili ng Stargazing singer sa Los Angeles “to sort things out with Kylie”, dahil sa cheating issues.

Napaulat na bumalik pa sa Los Angeles si Travis para sorpresahi­n at makasama ang kanyang kasintahan at anak, hanggang sa nagdesisyo­n siyang manatili muna upang ayusin ang kanilang relasyon. Sa isang hindi inaasahang hakbang, naglabas ng pahayag si Travis sa pamamagita­n ng kanyang representg­ative kung saan niya itinanggi ang espekulasy­on. “Travis Scott vehemently denies he cheated on Kylie. It is not true. He did not cheat,” saad ng kanyang kinatawan. “He cancelled one show tonight because he is under the weather.”

 ??  ?? Travis at Kylie
Travis at Kylie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines