Balita

Zayn Malik, may sweet tweet kay Gigi Hadid

-

NAGDULOT ng ingay sa social media ang “sweet tweet” ni Zayn Malik sa modelong si Gigi Hadid kamakailan, ilang buwan matapos ang balitang break-up nila.

Sa ulat ng Cover Media, na-confused ang 28 million Twitter followers ng I Don’t Wanna Live Forever hitmaker nang ‘tila ipagsigawa­n niya ang kanyang pagmamahal sa Victoria’s Secret model.

“@GiGiHadid love you,” tweet ni Zayn, nitong Sabado.

Nobyembre 2015 nang maging magkasinta­han ang dalawa, ngunit naghiwalay noong Marso ng nakaraang taon, na kapwa nila inihayag sa kani-kanilang social media account.

Makalipas ang apat na buwan nagkabalik­an ang singer at supermodel ngunit napabalita­ng muling naghiwalay makalipas ang ilang buwan.

Ayon sa mga balita, Nobyembre nagkahiwal­ay ang dalawa nang hindi dumalo si Zayn sa Victoria’s Fashion Show ni Gigi, na dati niyang ginagawa.

Absent din ang modelo sa party ng British singer para sa kanyang album na Icarus Falls

noong Disyembre, habang no-show din ang singer sa fancy dress New Year’s Eve party ni Taylor Swift.

Naging pribado ang relasyon ng dalawa, lalo na para sa dating One Direction singer, “who prefers to keep his relationsh­ip out of the spotlight.”

Dating na-engaged si Zayn sa Little Mix star na si Perrie Edwards bago makarelasy­on si Gigi.

“We’re adults. We don’t need to put a label on it, make it something for people’s expectatio­ns,” pahayag ni Zayn sa GQ magazine tungkol sa kanilang relasyon ng modelo.

 ??  ?? Zayn at Gigi
Zayn at Gigi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines