Balita

Bashers ni Arjo, walang awat

- Reggee Bonoan

MARAMI pa ring hindi naniniwala­ng mahal ni Arjo Atayde si Maine Mendoza base sa nabasa naming komento sa Instagram (IG) account ng aktor, kung saan niya ipinost ang litrato para sa bago niyang project na Bagman na mapapanood sa iWant, handog ng Dreamscape Digital at Rein Entertainm­ent.

Halos iisa ang nilalaman ng komento na kesyo lolokohin at gagamitin lang ni Arjo si Maine at kung anu-ano pa. Bagamat umabot sa 208 comments, may ilan pa ring nagtanggol sa aktor.

Mahirap talagang paliwanaga­n ang mga taong sarado ang isip. Kung talagang gagamitin ni Arjo si Maine, e, di hindi na siya siguro humarap sa magulang ng dalaga para pormal na ipakilala ang sarili? At higit sa lahat, hinarap ng aktor ang lahat ng bashers niya at hindi siya natakot sa kanila kesehodang bantaan ang pamilya niya.

Kilala namin ng personal si Arjo, ‘pag gusto niya at mahal niya ang isang tao, wala siyang pakialam sa sasabihin ng lahat ng naninira at higit sa lahat, hindi siya manggagami­t.

Kaya sa mga nagsabing gagamitin ni Arjo si Maine, sana mag-isip muna kayo dahil wala pa ang dalaga sa buhay ng aktor ay marami na siyang projects mula sa sarili niyang pagtitiyag­a.

Bakit ba hindi na lang hayaang lumigaya ang ArMaine? Inuunahan na kaagad ng kung anu-ano, eh.

Anyway, panoorin n’yo na lang ang The General’s Daughter gabi-gabi sa ABSCBN at iWant. Next ang Bagman. In fairness, wala namang nang-bash na hindi marunong umarte si Arjo.

 ??  ??
 ?? Arjo ??
Arjo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines