Balita

Summer jobs, alok ng DepEd, DPWH, sa estudyante

- Merlina Hernando Malipot at Mina Navarro

Gustong kumita ngayong summer?

Bukas muli ang Department of Education (DepEd) sa pagtanggap ng mga estudyante na interesado­ng magtrabaho sa sektor ng edukasyon ngayong darating na bakasyon.

Inihayag ng DepEd-Central Office na naghahanap ito ng mga estudyante na nais magtrabaho sa kagawaran ngayong summer, sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES).

Sa mga interesado­ng estudyante, maaaring magpasa ng resumé hanggang ngayong Miyerkules, Marso 6.

Kailangan ang aplikante ay edad 16-30, high school, senior high school, o college student na nasa una hanggang ikatlong taon, walang bagsak na marka sa huling semestre, kumikita ang magulang ng hindi hihigit sa P150,000 kada taon, at may kakayahan sa paggamit ng computer.

Bukod sa DepEd, nag-aalok din ng summer job ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, alinsunod sa Government Internship Program, tumatangga­p ang Central Office ng kagawaran ng aplikasyon para sa kabataang mahirap, edad 18-23, at nasa ikalawang taon sa kolehiyo.

Ang aplikante ay pinagsusum­ite ng isang photocopy ng birth certificat­e, fully-accomplish­ed bio-data o personal data sheet, at dalawang (2) bagong 1x1 ID photos, sa DPWH Capacity Developmen­t Division, Human Resource and Administra­tive Service, 5th Floor, DPWH Head Office Building, Bonifacio Drive, Port Area, Manila hanggang sa Biyernes, Marso 8.

Kinakailan­gan ding ipasa ng mga aplikante ang written examinatio­n kung saan pipiliin ang top 40 na matatangga­p.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines