Balita

Steady growth sa BSP, pangako ni Diokno

- Lee Chipongian, Ria Fernandez at Ellson A. Quismorio

Sinabi ng bagong talagang hep eng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na si Benjamin E. Diokno, ang kontrbersi­yal na budget secretary ng administra­syong Duterte, na ang ang unang tungkulin ng BSP a magkaloob ng fertile ground para sa inclusive growth.

“The role of BSP is to ensure steady sustained growth that is inclusive, in a regime of price stability,” aniya, anim na oras matapos siyang impormahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang magiging susunod na BSP governor. Papalitan niya ang namayapang si Governor Nestor A. Espenilla Jr. na pumanaw noong Pebrero 23 dahil sa tongue cancer.

Tinalo ni Diokno sa posisyon ang market, economists at mga paborito ng banking sector – ang tatlong BSP insiders na sina Deputy Governors Diwa C. Guinigundo, Ma. Cyd TuanoAmado­r at Chuchi G. Fonacier. Si Tuano-Amador ang Monetary Boarddesig­nated officer-in-charge.

“I’m an economist by training so I have the appropriat­e academic background,” ani Diokno, tutuntong sa edad na 71 anyos ngayong buwan.

Ipagpapatu­loy ni Diokno ang hindi natapos na termino ni Espenilla na magsisilbi sana ng anim na taong termino, o mula Hulyo 3, 2017 hanggang Hulyo 3, 2023. Siya ang magiging ikalimang BSP governor.

Samantala, naniniwala si Manila Mayor Joseph Estrada na nasa mabuting kamay ang BSP sa ilalim ng liderato ni Diokno.

Sinabi ni Estrada na ang appointmen­t ni Diokno, na nagsilbi ring budget chief sa panahon ng kanyang panguluhan , ay sumasalami­n sa mataas na integridad at financial expertise nito.

“He is well-known to be excellent in financial analysis and fiscal management. This is why I trusted him,” aniya.

TULOY ANG HEARING Iimbestiga­han pa rin ng House of Representa­tives si outgoing Department of Budget and Management (DBM) secretary Benjamin Diokno sa kabila ng appointmen­t nito bilang bagong BSP governor.

Sinabi ni Minority Leader and Committee on Public Accounts chairman Danilo Suarez sa isang press conference kahapon, na kailangan ng Lower Chamber ng “closure” sa Diokno saga.

“May pending issue pa sa House eh, wala pa kaming closure. Sana nagkaroon muna kami ng closure,” ani Suarez, kumakatawa­n sa 3rd district ng Quezon.

“I intend to continue hearing because I’m taking advantage of my few remaining months in Congress,” diin niya.

Inaakusaha­n si Diokno ng pagsingit ng P75 bilyon halaga ng “flood mitigation projects” sa Bicol region sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa panukalang 2019 national budget.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines