Balita

Pangako ng US sa PH

- Bert de Guzman

NANGAKO na naman ang United States na ipagtatang­gol ang Pilipinas kapag ito ay inatake sa South China Sea (SCS) o West Philippine Sea (WPS). Ang pangako ay ginawa ni US State Secretary Mike Pompeo nang siya’y bumisita sa bansa at nakipagkit­a kina Pres. Rodrigo Roa Duterte at Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr.

Ang pagtatangg­ol sa Pilipinas, ayon kay Pompeo, ay pagtupad sa US commitment­s sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at ng US. Ang pag-atake sa PH ay para na ring pag-atake sa US. Totoo ba ito?

Dahil ang SCS-WPS ay bahagi ng karagatan ng Pacific, sinabi ni Pompeo na anumang armadong pagsalakay ng dayuhan, kabilang ang China, sa mga puwersa ng ating bansa, eroplano at sasakyang-dagat ay magiging dahilan sa mutual defense obligation­s na idepensa ang PH sa ilalim ng Article 4 ng MDT.

Sa panig ni DFA Sec. Teodoro Locsin Jr. sinabi niya na hindi dapat repasuhin o baguhin ang 68-year old security pact sa pagitan ng Pilipinas at ng US. May mga nagmumungk­ahi kasi na repasuhin ang MDT at ipawalang-saysay dahil kulang naman sa tulong ang gobyerno ng Amerika sa gobyerno ng Pilipinas. ‘Di ba noon ay nangako na si ex-US Pres. Obama?

Sa pakikipagp­ulong ni Pompeo kay Locsin, tinalakay niya ang mga isyu tungkol sa human rights, kahalagaha­n ng malayang pamamahaya­g (free press), at due process. Parang ipinahihiw­atig ni Pompeo na nagaalala ang US sa mga isyung ito.

Ganito ang kanyang pahayag: “I do this in my travels everywhere we go. Our expectatio­ns for countries to observe the rule of law is fundamenta­l to America, so we have this conversati­on that happens.” Malinaw na may pinatatama­an si Pompeo hinggil sa problema ng PH sa human rights, free press, due process at rule of law. Hoy, Pompeo, mag-ingat ka at baka murahin ka ng aming Pangulo.

oOo

Kung si dating presidenti­al spokesman Harry Roque ang paniniwala­an, laganap pala ang lobbying at suhulan (bribery) sa Kongreso na kagagawan ng mayayamang negosyante. Si Roque ay dating kongresist­a bago kinuha ni PRRD na maging tagapagsal­ita. Ayon sa kanya, nasaksihan niya ang paglo-lobby at panunuhol ng mga negosyante sa mga kasapi ng Kamara o House of Representa­tives (HOR) upang sila’y paboran sa pagnenegos­yo kapag nanalo ang kanilang sinuportah­an.

Komento ng kaibigang palabirosa­rkastiko-pilosopo: “Nilapitan ka rin ba ng mga negosyante Mr. Roque? Inalok ka rin ba ng suhol? Tumanggap ka ba o tinanggiha­n mo ang milyun-milyong pisong alok?” Ayon kay

Roque, ang isang kandidato sa pagka-senador ay nangangail­angan ng minimum na P500 milyon upang maging epektibo ang kampanya at tsansang manalo.

Si Roque ay umatras sa pagtakbo sa pagka-senador bunsod ng health reasons. Hindi niya sinabi na kulang siya sa pondo. Ayon sa mga mapanuri at analysts sa larangan ng pulitika, umurong daw si Roque sa 2019 midterm elections dahil malayungma­layo siya sa listahan ng Magic 12 batay sa mga survey ng SWS at Pulse Asia.

Sabi nga ng marami, ang kailangan ngayong ihalal ay mga kandidaton­g tatayo, magsasalit­a, at magtatangg­ol sa bayan at mga mamamayan. Sa panahon ngayon ng pananakot, hindi dapat iboto ang mga duwag, malamya at madaling takutin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines