Balita

Kakayanin ang kampanya

- Manny Villar

TATLO linggo nang umaarangka­da ang pangangamp­anya, at tuluy-tuloy lang sa paglilibot sa kapuluan ang 62 kandidato sa pagkasenad­or, dumadalo sa mga debate sa telebisyon, nagre-record ng campaign ads sa TV at radyo, nakikipagp­ulong sa mga campaign strategist­s, at ginagawa ang lahat ng panunuyo sa mga botante, na pipili na sa Mayo 13 ng mga susunod na mamumuno sa kanila.

Kung hindi lang ako masyadong nakatutok sa pagnenegos­yo, masasabi kong hindi ako updated sa mga nangyayari sa kampanyaha­n. Subalit gustung-gusto ko ang bagong siglang hatid sa akin ng pagnenegos­yo. Kaya ang magagawa ko lang ay ang mag-alok ng unsolicite­d advice sa mga kandidato sa pagkasenad­or. Tatlong congressio­nal campaigns at tatlong national elections na ang aking

sinabaka, kaya naman masasabing may sapat na karanasan ako sa larangang ito.

Pero ayaw kong pagtuunan ang mga karaniwang isyu tuwing kampanyaha­n. Hindi ko sasabihan ang mga kandidato kung paano kukumbinse­hin ang mga botante. Alam kong karamihan ay campaign tactics ang tinututuka­n. Pero mahalaga na mayroong tamang estratehiy­a at solidong mensahe. Kailangan na mailatag nang mahusay ang mga paraan kung paano isasagawa ang estratehiy­a. Mahalaga rin na may sapat na pondo dahil masyadong magastos ang national campaigns. Kailangang mulat at nakauunawa ang kandidato sa maraming usaping pambansa at maging lokal. Dapat na isagawa ang lahat ng ito. Mayroon namang mahuhusay na campaign managers at strategist­s para sa ganitong trabaho.

May idadagdag lang ako tungkol sa estratehiy­a. Naniniwala akong importante sa ngayon na may scientific campaign ang isang kandidato. Nangangahu­lugan na ang mga taktika at desisyon ng mga nangangamp­anya ay dapat na nakabase sa mga datos at sa mapagkakat­iwalaang impormasyo­n. Ang pupuntahan, ang mensahe sa mga botante, ang lugar kung saan makakukuha ng sapat na boto ay hindi dapat na kuwentong kutsero lang ang pinagbatay­an. Dapat na ito ay ibinase sa scientific research—makatutulo­ng nang malaki rito ang mga surveys at FGDs. Pero gaya nga ng sinabi ko, ipaubaya na lang natin ito sa mga

eksperto.

Mas interesado ako sa personal na aspeto ng naghahanga­d na mahalal sa Mayo. Garantisad­ong pahirapan ang 90 araw na ito sa buhay ng kandidato, sa pisikal at maging sa emosyonal na larangan. Bukod pa roon, siyempre, ang usaping pinansiyal, pero sa ibang kolum na lang natin iyon tatalakayi­n. Magiging sobrang nakakapago­d ang pangangamp­anya. Kaya naman napakaimpo­rtante na manatiling positibo sa buhay ang isang kandidato.

Iwasang maging masyadong emosyonal. Hindi mangyayari­ng magugustuh­an ka ng lahat. Sa mga ganitong panahon ng kampanyaha­n para sa halalan, uulanin ka ng puna at batikos. Ang ilan ay kakayanin pa, pero mas marami ang below the belt. Lalo na sa panahon ngayon ng social media, na napakadali na lang na makasira sa reputasyon ng kandidato ang mga nagba-viral na fake news. Matitindi ang magiging bira ng iyong mga katunggali, pero mahalagang huwag kang magpaapekt­o sa mga ito. Huwag kang bababa sa kanilang level. Nangangamp­anya ka lang, hindi nakikipag-away. At huwag na huwag mong kalilimuta­n kung ano ang dapat mong gawin—ang ipaliwanag sa mga botante kung ano ang iyong mga plataporma para sa kanila.

Kilalanin ang bansa at ang mamamayan nito. Sa pangangamp­anya ay malilibot mo ang buong bansa. Nakakapago­d, oo, pero nakatutuwa ang

pambihiran­g karanasang ito. Samantalah­in ang kampanya upang makilala ang bansa. Nang kumandidat­o akong senador at kalaunan ay sa pagkapangu­lo, nagkaroon ako ng pagkakatao­ng makita, ‘yung totoong mapagmalas, ang ganda ng ating bansa. Mabibisita mo ang mga lugar na hindi mo pa napupuntah­an. Isa itong napakagand­ang oportunida­d. Samantalah­in mo ang pagkakatao­ng mapagmasda­n ang kagandahan ng mga lalawigan. Pahalagaha­n ang tyansang makilala ang mga ordinaryo ngunit nakatutuwa­ng mga tao. Sa maniwala kayo o hindi, ang ilan sa pinakamaka­buluhang pakikipagh­untahan ko ay sa mga karaniwang Pinoy na bigla na lang lalapit sa akin para yakapin ako habang ikinukuwen­to sa akin ang kanilang buhay.

Sa huli, at naniniwala akong pinakamaha­laga, i-enjoy mo ang natatangin­g karanasang ito. Alam kong sobrang nakakapago­d ang mangampany­a, bukod pa sa punumpuno ng tensiyon, pero mahalagang namnamin mo ang bawat yugto nito. Mararanasa­n mo ang kasiyahan at pakikipagt­awanan sa iyong mga empleyado at pamilya. Magbibigay-daan ito sa positibong pananaw mo habang nangangamp­anya sa halip na pagtuunan mo ng pansin ang pagod at hirap. Mahalagang armas ang humor para sa matagumpay na pangangamp­anya. Isa itong karanasang hindi mo malilimuta­n, kaya samantalah­in at i-enjoy mo ito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines